Dioscora (240)

“NAGALIT ang hayok na si Simon Pedro nang malaman na gusto namin ni Nico na lumipat ng ibang tirahan. Kinausap nang masinsinan ang anak. Lihim akong nakikinig sa kanilang pag-uusap.

“Sabi ni Simon Pedro huwag daw makinig sa akin si Nico. Nilalason ko raw ang isipan ni Nico. Sabi ng hayok, ano pa raw ang hahanapin sa palasyo niyang tahanan. Narito na raw lahat. Sagana sa pagkain, magandang higaan, mga mamahaling gamit at iba pa. Ano pa raw ang gusto ko at nagpupumilit na bumukod.

“Sa pagkakataong ‘yun ay gusto ko nang sumabat sa usapan at ibulgar ang kanyang katakawan sa laman. Gusto ko nang sumugod at sabihin kay Nico na matagal na akong sex slaves ng kanyang ama—noon pa ako inaabuso. Pero hindi ko magawa dahil naaawa ako kay Nico. Baka kung  ano ang gawin nito—baka mapatay ang ama.

“Kaya nanahimik na lamang ako. Tiniis at sinarili ang problema. Ang isang ikinatuwa ko, kumampi sa akin si Nico. Hindi siya napigilan ng mapagsamantalang Simon Pedro.

“Umalis kami sa bahay ni Simon Pedro at humanap ng ibang bahay na matitirahan. Nakalaya ako sa pagiging alipin sa laman. Pero…saglit lang pala ‘yun.’’

(Itutuloy)

Show comments