^

True Confessions

Alupihan (166)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi makakilos si Cris. Nakatutok sa leeg ni Hani ang patalim ng magnanakaw. Nagbanta ang magnanakaw na papatayin si Hani kapag lumapit.

Hindi malaman ni Cris ang gagawin. Nabi­go siyang ma-disabled ang magnanakaw kanina. Ma-lakas na ang palong ginawa niya rito ay nagawa pa ring makatakbo.

Naisip naman ni Cris sa pagkakataong iyon kung bakit hindi lumalabas ng kanyang room si Gretchen. Baka natatakot kaya hindi nagbubukas ng kuwarto.

“Huwag kang magkakamaling lumapit, papata-yin ko ang babaing ito!’’ sabi uli ng magnanakaw. Halatang hindi ito nagbibiro. Gagawin ang banta para makatakas.

“Paraanin mo ako! Umalis ka sa dadaanan ko. Ibaba mo ang pamalo! Bilis! Papatayin ko ito!” utos ng magnanakaw.

Gagawing pananggalang si Hani.

Ibababa na ni Cris ang pamalo nang big­lang magsalita si Hani.

“Kuya, huwag kang matakot! Sige lapitan mo kami!’’

Lumakas ang loob ni Cris at biglang lumapit sa magnanakaw habang hawak si Hani.

Bigla rin naman ang naging aksiyon ni Hani at ubos lakas na siniko ang magnanakaw sa sikmura. Nasaktan at napaatras ang magnanakaw. Lumuwag ang pagkakahawak kay Hani.

Sinamantala iyon ni Hani at mabilis na lumayo.

Sumugod si Cris at walang patlang na pinalo ang magnanakaw. Hindi na niya tinigilan. Tinamaan ito sa ulo, mukha at katawan.

Hanggang sa hindi na makagulapay sa sobrang dami ng tama. Napalugmok na ito at nawalan ng malay

“Hani tumawag ka ng pulis! Dali!’’

Mabilis na tumawag ng pulis si Hani.

Tinalian naman ni Cris ang mga kamay ng magnanakaw. Ginamit niya ang tali ng sapatos.

Nang matalian, inalis niya ang bonnet nito.

Nagulat siya nang makita ang mukha ng magnanakaw. Hindi ito ang lalaking kausap ni Diana sa restaurant. Sino ang lalaking ito?

Maya-maya lang ay nakarinig ng wangwang ng police car si Cris. Dalawang pulis ang umakyat.

“Ano pong nangyari Sir?’’ tanong ng isa sa mga pulis.

Sinabi ni Cris ang lahat nang nangyari. Pati si Hani ay kinunan ng statement.

Maya-maya pa dinala na ng mga pulis ang magnanakaw sa presinto. Sumama si Cris. Naiwan si Hani.

(Itutuloy)

vuukle comment

CRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with