^

True Confessions

Alupihan (165)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Humanda si Cris. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa tubo. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon ang magnanakaw na makatakas o kaya’y lumaban. Ang mga kriminal ay handang pumatay at mamatay. Titiyakin niyang ang magnanakaw na ito ang bubulagta.

Nang makababa sa nilagaring bintana ang magnanakaw ay marahan itong lumakad patungo sa pintuan. Nagtataka si Cris kung bakit wala man lang binuksang cabinet o drawer ni Diana ang magnanakaw. Tiyak na merong alahas o mahalagang bagay na mana-nakaw sa room ni Diana pero bakit hindi ginawa.

Naisip ni Cris, baka nga kakutsaba ni Diana ang magnanakaw kaya walang pinakialaman sa kuwarto niya.

Eto kaya ang lala-king kausap ni Diana sa restawran noong sinundan niya sa Recto? Ito rin kaya ang lalaking kausap ni Diana na nakita niya di-kalayuan sa bahay?

Naka-bonnet kasi ang lalaki kaya hindi niya ma­kilala. Kung makikita niya ang mukha, makikilala agad niya. Madaling matandaan ang mukha ng lalaking kausap ni Diana – mukhang ex-convict.

Palapit na nang palapit ang magnanakaw sa pinto na kinaroroonan ni Cris. Kapag sumungaw ang ulo nito, hahatawin niya. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon.

Naramdaman niya ang paglapit ng magnanakaw sa may pinto. Dumistansiya si Cris sa pinto para makakuha siya ng buwelo sa pagpalo.

Maya-maya pa, hinatak na ng magnanakaw ang pinto. Bumukas. Sumungaw ang ulo ng magnanakaw.

Hinataw ni Cris. Sapol!

Napaiktad ang magnanakaw dahil sa lakas ng pagpalo. Napasandal sa pinto. Lumikha ng ingay.

Susundan pa ni Cris ng palo pero malakas ang magnanakaw at nagawang sipain si Cris na tinamaan sa hita. Napaatras si Cris.

Mabilis na nakabawi ang magnanakaw. Binunot ang dalang patalim at sinugod si Cris. Naka­ilag si Cris at nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalo ang lalaki. Tinamaan sa balikat. Isa pang palo ang binigay niya at tinamaan uli sa ulo ang magnanakaw.

Umatras ito at ipinas-yang tumakbo patungo sa Room No. 6  na inookupa ni Hani.

Sinundan ni Cris ang magnanakaw. Kinatok ang pinto ng Room No. 6. Nang buksan ni Hani, bigla siyang hinaltak ng magnanakaw at ginawang hostage.

“Sige lumapit ka at papatayin ko ito!’’ sigaw ng magna­nakaw.

(Itutuloy)

vuukle comment

CRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with