^

True Confessions

Ahas sa garden (222)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MADALING ARAW. Gu­mising­ si Ester para dyuminggel­. Ang kanyang asawang si Mauro ay himbing na himbing. May sarili silang comfort room sa kuwarto kaya hindi na nila kailangang lumabas pa. Pero nagulat siya nang makarinig ng tahol ng mga aso sa katabing mansion. Ngayon lamang niya narinig na tumahol ng ganun ang aso sa ka­tabing mansion. Sa tunog nang pagtahol, tila may kinatatakutan ang mga aso. Baka mga akyat-bahay!

Pagkatapos dyu­minggel, ipinasya niyang lumabas ng kanilang ku­warto para silipin kung ano ang tinatahulan ng mga aso.

Sumilip siya sa bintana sa salas. Malinaw namang makikita kung ano ang tinatahulan ng mga aso dahil mayroon silang ilaw sa gate.

Nagulat si Ester sa nakita.

Mga lalaking may ha­wak na baril na mahahaba! Parang susugod sa giyera!

Naka-bullet proof vest na may markings na PDEA!

Kumabog ang dibdib ni Ester. Ang alam niya, ang PDEA ang nagri-raid sa mga pinaghihinalang bahay o lugar na may shabu o iba pang illegal na droga.

Sa tantiya ni Ester mahigit sa 10 PDEA agents ang nakita niya!

Ang pinaka-lider ang kumatok sa mataas na gate. May hawak na papel ang lider.

Nang may magbukas­ ng gate, ipinakita rito ang nakasaad sa papel. Subalit tinangkang isara ng lalaki ang gate kaya isinenyas ng lider ng PDEA na pasukin na ang mansion.

Mabilis na pumasok ang PDEA.

Si Ester ay nanganga­tog sa takot at halos ang ulo na lang ang nakalitaw sa bintana.

Sinalakay na ang mansion! Tama si Mau, baka shabu ang laman ng magnetic lifter na idiniliber ng container truck!

Maya-maya pa, na­karinig si Ester ng mga putok.

Lalo nang nanginig sa takot si Ester.

Nagtatakbo siyang pabalik sa kanilang ku­warto ni Mau. Ginising niya si Mau.

‘‘Mau! Mau! May nagpuputukan sa labas. Sinalakay ang mansion!’’

Pupungas-pungas na bumangon si Mau.

“Anong nagpuputukan?’’

“Sinalakay ng PDEA ang mansion sa tapat!’’

Lumabas sila para tingnan ang nangyayari.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with