^

True Confessions

Black Widow (127)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUMIGIL lamang si Jam sa pagsunod kina Marie at Jose nang pumasok ang mga ito sa isang Japanese restaurant. Makikita na siya ng dalawa kung papasok din sa restaurant. Kung aabangan naman niya ang paglabas na mga ito, baka abutin siya ng hatinggabi. Hindi niya alam kung ga­ano mananatili sa restaurant ang dalawa.

Masama ang loob na umalis si Jam. Pero marami pang araw para masundan niya ang dalawa. Hindi siya titigil sa pagsunod sa mga ito. Gusto niyang malaman kung saan nagtutungo ang mga ito.

Pagdating ng bahay, nagpalit lang siya ng damit at nahiga. Si Marie at Jose pa rin ang iniisip niya. Parang hindi niya matanggap na si Marie ang kasama ni Jose. Saan pa kaya pupunta ang da­lawa, pagkatapos kumain? Manonood ng sine? Hindi kaya magmo-motel?

Hindi mapakali si Jam. Tumatagilid at tumitihaya. Hindi niya matanggap na si Marie ang nagustuhan ni Jose. Maraming beses na siyang nagpakita ng motibo kay Jose pero ayaw “kumagat”. Halos ipagdul­dulan na niya ang sarili pero ayaw siyang “tukain” ni Jose. Laging umiiwas at may dahilan. Gumagawa ito ng paraan para hindi ma­tuloy ang kanyang balak.

Tumihaya si Jam at ipi­nangako sa sarili na aaga­win si Jose. Hindi siya papayag na maging mag-asawa sina Marie at Jose. Para sa kanya si Jose!

Bumangon si Jam at tinungo ang kusina. Kinuha sa hanging cabinet ang imported na alak na binili niya sa Rustan’s. Masarap daw ang alak na iyon ayon sa babaing nag-assist. Kahit mahal, binili niya ang alak. Ngayon niya mapapatuna­yan kung masarap nga iyon.

Naglagay siya ng yelo sa kopita. Binuksan niya ang alak. Sinamyo niya bago nagbuhos sa kopita. Hmmm, mabango! Nagsalin siya sa kopita. Pagkatapos ay sumimsim. Hmmm. Masarap nga!

Tinungga na niya. Masarap ang hagod. Walang sabit.

Hanggang sunud-su­nurin niya ang pag-inom ng alak.

At mabilis niyang naram­daman ang epekto. Suwabe. Parang dinuduyan siya. Ngayon lamang siya nakaranas ng ganito ka­sarap na alak.

Muling naglaro sa kanyang imahinasyon ang mga gagawin para maagaw si Jose kay Marie.

Kailangang gawin na niya ang plano. Dapat masiguro na magtatagumpay siya sa pag-agaw kay Jose.

Mas maganda kung sa opisina niya uumpishan si Jose. Aabangan niya lagi ang pag-uwi nito. Hindi siya titigil hangga’t hindi nagkakaroon ng katuparan ang lahat.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

HMMM

JOSE

MASARAP

NGAYON

NIYA

SHY

SI MARIE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with