^

True Confessions

Black Widow (125)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG tumalikod na si Jam at umalis. Naiwan sina Marie at Jose at dalawang bata na pawang nakatingin sa umalis na si Jam.

“Tayo na,” sabi ni Jose. “Ituloy na natin ang pamamasyal. Di ba yun ang plano natin kaya narito sa mall.’’

Pero wala na sa mood si Marie.

“Jose, umuwi na lang tayo parang totoong sumama ang pakiramdam ko. Next time na lang tayo mamas­yal at dun sa lugar na walang makakasira sa plano natin.’’

“Okey, umalis na tayo. Tama ka Marie, next time na lang.’’

Umalis na sila.

Pagdating sa bahay ni Marie, bumaba rin sina Jose at Iya.

Nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang masinsinan sina Marie at Jose. Si Jam ang pinag-uusapan nila.

“Hindi mo na napapansin, Jose, kung nasaan tayo, naroon din si Jam. Hindi kaya sinusundan niya tayo?’’

“’Yan din ang iniisip ko, Marie. Bakit alam na alam niya ang kina­roroonan natin. Parang namo-monitor tayo.’’

“Kanina, gusto ko nang tapatin si Jam. Gus­tung-gusto ko nang sabihin na may relasyon na tayo. Pero pinigil ko ang sarili. Ayaw ko ka­sing magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.’’

“Nahalata nga kita kanina. Mabuti na lang at nakapag-isip ka ng paraan para makatanggi sa pagyayaya niya na manood ng sine. Pero sa totoo lang, ayaw kong makasama siya.’’

“Mas lalo naman ako. Mabuti nga at nakisama itong mga anak natin. Kung hindi kina Pau at Iya, baka nangyari ang plano niya.’’

Napatangu-tango bilang pagsang-ayon si Jose.

“At alam mo ba Jose ang iniimadyin ko kanina na pinipilit tayong isamang manood ng sine?’’

“Ano?’’

“Tiyak na tatabi siya sa’yo. At ako ay parang tanga. At palagay ko habang magkatabi kayo, gagapang ang kamay niya hanggang sa marating ang inaasam.’’

Walang imik si Jose. Nag-iimadyin.

“Kaya alam mo balak ko nang ipagtapat sa kanya na may relasyon tayo.’’

“Dapat ngang malaman na niya.’’

“At alam mo, kutob ko may hinala na siya sa atin. Alam na siguro niya na may relasyon tayo. Hindi naman boba yun para hindi makahalata.’’

“Maganda nga malaman na niya ang tungkol sa atin.’’

“Sasabihin ko na sa kanya, Jose. Para matapos na ang ginagawa niyang panunukso.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANO

AYAW

IYA

JOSE

NIYA

PERO

SI JAM

TAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with