^

True Confessions

Black Widow (124)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANO manood tayo ng sine, ako’ng taya,” sabing muli ni Jam. “Kung busog kayo, mas magandang manood ng sine, di ba?’’

Pero laban sa ka­looban ni Marie ang naisip ni Jam. Kahit sa pagkain at panonood ng sine ay ayaw niya. Wala siyang ibang gusto kundi ang magkasama sila ni Jose at dalawang bata. At wala sa plano niya na makasama si Jam. Hindi niya gustong makasama si Jam lalo pa nga’t halatang-ha­lata ang pag­­papakita ng pagkagusto kay Jose.

At sa isang iglap, nakaisip ng paraan si Marie kung paano makakaiwas sa plano ni Jam na panonood ng sine.

Binalingan niya ang dalawang bata – sina Pau at Iya. Tinanong ang mga ito.

“Pau, Iya, gusto n’yo bang manood ng sine?’’

Si Pau ang sumagot. “Ayaw ko po Mama. Masakit po ang ulo ko.’’

At maski si Iya ay ayaw din. May malalim din na dahilan si Iya. “Ayaw ko pong manood ng sine. Gusto ko po makauwi dahil mag-aaral pa ako ng lesson.’’

Napahinga nang ma­lu­wag si Marie. Parang nagkatiyap-tiyap silang tatlo sa mga sasabihin para makaiwas sa pagyayaya ni Jam.

“O ayaw daw nilang manood, Jam. Paano ba ‘yan?’’

Nakapamaywang si Jam.

“Minsan na nga lang akong magyaya e nabigo pa.’’

“Kasi naman wala sa plano ang pagyayaya mo.’’

“Hmp! Sige di bale, sa susunod na lang. Huwag na ninyo akong tatanggihan ha? Ha Pau, Iya?’’

“Opo Tita,’’ sagot ni Pau.

“Sorry po Tita, talaga pong marami akong imimemorya.’’

“Okey sige.’’

“Mauuna na kami Jam.’’

“Sige, ano pa nga bang magagawa ko.’’

Tiningnan ni Jam si Jose. Makahulugan ang tingin. Wala namang masabi si Jose.

Kumilos si Marie at ang dalawang bata para umalis na. Ano kaya ang balak pa ni Jam?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYAW

HA PAU

IYA

JAM

OPO TITA

SI PAU

SIGE

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with