^

True Confessions

Black Widow(123)

Pilipino Star Ngayon

BAKIT kung nasaan sila ay naroon si Jam? Iyon ang lihim na tinatanong ni Marie. Sinusubaybayan kaya sila ni Jam? Bakit alam nito ang aktibidad nila.

Pero sa pagkakataong iyon, naging mahinahon si Marie. Dapat cool lang siya. Hindi siya dapat magpakita ng anumang pagmumulan nang hindi pagkakaunawaan. After all, magkaibigan pa rin sila ni Jam. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon sa kabila na may hindi ginagawang maganda si Jam.

“Ang liit talaga ng mundo! Narito rin pala kayo,” sabi ni Jam na nakatawa.

Si Jose ang sumagot. “Ipinapasyal namin ang mga bata.’’

“Hindi man lang n’yo ako tinawagan.’’

Si Marie ang sumagot. “Biglaan kasi.’’

“Mabuti pala at dito ako sa mall na ito nagtungo.’’

Hindi makapagsalita si Marie. Sabihin na kaya niya ang totoo kay Jam para matigil na ang mga pagkukun­waring ito. Nahihirapan na siya sa paglilihim. Parang lagi silang may kinatatakutan ni Jose.

“Dahil hindi n’yo ako sinasali sa lakad n’yo, ako ang maglilibre sa inyo. Iti-treat ko kayo!’’

Gustong tumanggi ni Marie. Si Jose naman ay nakatingin lang at tila nag-iisip nang sasabihin.

“Huwag kayong ta­tanggi. Kahit na kakakain n’yo lang, kakain uli tayo.’’

“Kakakain lang talaga namin sa Japanese restaurant, Jam. Eto nga’t busog pa kami.’’

“O e di meryenda na lang.’’

“Ako full pa,” sabi ni Jose.

“Etong mga bata? Pau, Iya, gusto n’yo mer­­yenda tayo.’’

“Busog pa rin po ako Tita,” sagot ni Pau.

Ganundin ang si­nabi ni Iya.

“A alam ko na, manood na lang tayo ng sine!”’

Lalo nang natulala si Marie. Si Jose ay lalong napipi. Paano sila iiwas sa anyaya ni Jam?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BAKIT

BIGLAAN

HINDI

IYA

JAM

LANG

SI JOSE

SI MARIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with