^

True Confessions

Black Widow (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ayaw niyang ipakita sa akin ang mga anak ko?’’ sabi ni Jam at masaganang tumulo ang luha. Nayugyog ang mga balikat dahil sa sama ng loob.

Si Marie na nakatingin sa kaibigan ay napaluha rin. Ina rin siya kaya alam niya ang damdamin ni Jam. Walang kasing sakit na ipagkait ang sariling anak.

“Kahit man lang sana isang minuto ay ipakita niya sa akin ang mga anak ko. Kahit isang minuto lang hindi niya mapagbigyan,” sabi ni Jam na nayuyugyog ang balikat.

Awang-awa si Marie sa kaibigan.

“Ayaw talaga ni Pete. Ginawa ko ang lahat nang pakiusap.’’

“Hindi mo ba nakita ang dalawa kong anak?’’ tanong ni Jam habang pinapahid ng tissue ang luha.

“Hindi. Wala akong nakitang ibang tao sa bahay. Tahimik na tahimik doon.’’

“Ano na kayang itsura ng mga anak ko? Gusto ko na silang yakapin. Kahit man lang sana isang minuto ay payagan akong makita ang dalawa.’’

“Mukhang mahirap kum­binsihin si Pete. Talagang firm siya na huwag ipakita sa’yo ang mga bata. Matigas talaga ang pasya.’’

Napahinga nang malalim si Jam. Halata sa mukha nito ang problema.

Nag-iisip si Marie kung dapat niyang sabihin kay Jam ang mga pinagtapat ni Pete ukol dito. Ano kaya ang reaksiyon ni Jam?

Hanggang magpasya siya. Sinabi niya kay Jam ang mga sinabi ni Pete. Mahala­gang malaman nito ang mga napag-usapan nila ni Pete.

“Ikaw daw ang may kasalanan nang lahat kaya nasira ang inyong pa­milya. Ikaw daw ang dahilan.”

“Sinungaling siya! Sinungaling siya!’’

Naghisterikal na si Jam.

Pinagpatuloy ni Marie ang pagkukuwento nang napag-usapan nila ni Pete.

“Ikaw daw ang unang gumawa nang pagtataksil, Jam. Kung hindi ka raw gumawa nang ganoon, siguro’y buo pa raw ang pamilya ninyo. Pinatawad ka ’’

“Ako pa ngayon ang may kasalanan nang lahat. Ako pang pinagtaksilan ang lu­malabas na may kasalanan,” sabi ni Jam at nagbanta na naman ang pag-agos ng luha.

Pagkaraan ay tinanong ni Jam si Marie.

“Naniniwala ka ba sa mga sinabi niya Marie. Ma­gagawa ko ba ‘yun Marie?”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

IKAW

JAM

KAHIT

MARIE

MGA

NANG

SI MARIE

SINUNGALING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with