^

True Confessions

Black Widow (73)

Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala si Marie sa sinabi ng asawa ni Jam. Gumagawa ba ito ng kuwento para mapagtakpan ang kasalanan niya. Si Jam daw ang unang nagtaksil.

‘‘Hindi ka nga siguro agad-agad maniniwala, Marie dahil matalik mo siyang kaibigan. Ang bersiyon lang niya ang naririnig mo,’’ sabi ni Pete sa mababang tinig. ‘‘Ngayon ay dapat mo namang marinig ang bersiyon ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong ipakita sa kanya ang mga bata.’’

Nanatiling nakatingin si Marie kay Pete. Kailangang marinig niya ang kuwento ni Pete kahit mahirap paniwalaan na si Jam ang unang nagtaksil. Hindi magagawa iyon ni Jam. Kilala niya si Jam. Matagal na niyang kakilala ang kaibigan.

“Pinagtaksilan ako ni Jam. Nahuli ko sila pero nagsawalang-kibo na lang ako alang-alang sa mga anak namin. Dating kaklase niya noong nasa college ang kalaguyo niya. May asawa rin ang lalaki pero walang anak. Noong una, hindi ako naghihinala. Pero nang mabasa ko ang nasa Facebook niya, nakumpirma ko. Naiwanan niyang naka-open ang Facebook kaya nabasa ko ang message. Kapapanganak pa lamang sa aming bunso nang magsimula ang relasyon nila. Pero sa kabila na mayroon na akong natuklasan, hindi pa rin ako lubos na naniniwala dahil wala pa naman akong aktwal na nakikita. Kaya nagsawalang-kibo ako. Dedma lang ako. Ayaw ko ba na gagawa agad ako ng hakbang na wala pa naman akong matibay na ebidensiya…’’

Walang kakilus-kilos si Marie sa pagkakaupo. Naghihintay siya sa mga ikukuwento ni Pete. Pero sa ka- ­­bila ng mga sinabi nito, hindi pa rin siya naniniwala na si Jam ang unang nagtaksil. Madali lang namang gumawa ng kuwento para mailibre ang sarili.

Nagpatuloy si Pete sa pagkukuwento.

‘‘Hanggang mati-yempuhan ko silang magkasama...’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

AYAW

DEDMA

FACEBOOK

GUMAGAWA

JAM

NIYA

PERO

SI JAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with