^

True Confessions

Black Widow (57)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SI Marie ang sumundo kay Jam nang araw na lumabas ito sa ospital.

“Ano ang balak mo, Jam? Saan ka uuwi?’’

“Sa inuupahan kong bahay sa Dapitan.’’

“Wala kang kasama? Paano kung may mangyari sa’yo?”

“Kaya ko nang mag-isa, Marie.’’

“Sigurado ka? Kung gusto mo sa bahay ka muna. Dalawa lang kami ni Pau roon.’’

“Kaya ko pa namang mabuhay mag-isa, Marie. Kapag hindi ko na kaya, sasabihin ko sa’yo.’’

“Magsabi ka lang, Jam para mabilis kitang mapupunta-han.’’

Tumango si Jam.

“Halika na Jam. Naghihintay ang taxi. Ihahatid na kita hanggang Dapitan.’’

Fifteen minutes lang at nasa bahay na sila ni Jam sa Dapitan. Katamtaman ang apartment na inuupahan ni Jam. May isang malaking kuwarto, may sariling banyo at CR, may laundry at may kitchen.

“Okey naman pala rito, Jam! Magkanong upa?’’

“Six thousand.’’

“Okey na. Mura na.’’

Naupo sila sa ka­ma.

“Paano kung dumating ang demonyo mong kalive-in?’’

“Hindi ko siya tatanggapin.’’

“Ano bang nangyari? Ikuwento mo  nga.”

Bantulot si Jam.

“Binubugbog nga ako ni Coco. May masabi lang ako na kontra sa kanya, sasaktan na ako. Minsan nagalit dahil hindi ko nalabhan ang mga bikini briefs niya. Sinuntok ba naman ako. Lumaban na ako. Sinuntok ko rin. Tinamaan sa likod. Sinuntok muli ako at tinamaan ako sa tiyan. Dinugo ako…’’

“Iyon ang dahilan kaya ka nakunan?’’

“Oo.’’

“Walanghiya pala ang hayop! Masahol pa sa demonyo.’’

“Palagay ko hindi na babalik yun.’’

Marami pa silang napagkuwentuhan ni Jam hanggang sa magpaalam na siya.

“Dadalawin uli kita.’’

Tumango si Jam.

SINUNDO ni Marie si Pau sa school. Naghihintay siya sa anak nang may lumapit  na lalaki sa kanya.

“Hi Marie!’’ Bati ng lalaki.

“Hi Jose!” Sagot ni Marie.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANO

DAPITAN

HI JOSE

HI MARIE

JAM

KAYA

NAGHIHINTAY

SINUNTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with