^

True Confessions

Black Widow (48)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“TAYO na Mama, ihatid na natin si Iya,” sabi ni Pau kay Marie.

“Sige, baka nga hindi na siya sunduin,” sabi ni Marie at binalingan si Iya. “Sure ka ba Iya na hindi na darating ang daddy mo.”

“Opo.’’

“Sige ihahatid ka na namin. Alam mo ba ang patungo sa inyo?’’

“Opo.’’

“Halina kayo at mag-aala-una na ng hapon,’’ yaya ni Marie sa dalawang bata.

“Hindi ba tayo kakain muna Mama?’’

“Sige mag-lunch muna tayo. Okey ba sa’yo Iya?’’

“Opo.’’

“Pagkatapos nating kumain saka ka namin ihahatid.’’

“Opo.’’

Nagtungo sila sa sikat na burger house na may ilang metro ang layo sa gate ng eskuwelahan.

Maraming kumakain. Ka­ramihan ay mga bata.

Nakakita sila ng bakanteng mesa para sa tatlong tao. Tinungo nila.

“Anong gusto n’yong ka­inin?’’

“Ako fried chicken at spaghetti,” sabi ni Pau.

“Ikaw Iya, anong gusto mo?’’

“Spaghetti lang po at Coke.’’

“’Yun lang?’’

“Opo.’’

“Sige wait lang kayo rito at oorder ako.’’

Makalipas ang limang minuto, dala na ni Marie ang order.

Kumain sila.

Habang kumakain nag-uusap sina Pau at Iya.

“Wala bang ibang su­sundo sa’yo?”’

“Wala.’’

“Si Daddy mo lang talaga?’’

“Oo.’’

“Ang mommy mo?’’

Umiling si Iya.

“Hindi puwede ang mommy mo?’’

“Wala na akong mommy.”

Gustong sumabad ni Marie pero pinigil niya ang sarili.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANONG

GUSTONG

IKAW IYA

IYA

OPO

SI DADDY

SIGE

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with