^

True Confessions

Black Widow (38)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MABIGAT na talaga ang problema ni Jam, naisip ni Marie. Hindi nila iiwan ang bahay kung hindi mabigat ang sitwasyon. Baka nagkanya-kanya na sila ng asawa. Pero bakit kailangang iwan ang bahay. Ang alam niya, hinuhulugan pa nila ang bahay. At nasaan kaya ang mga anak nila? Kasama kaya ni Jam o sa kanyang asawa?

Kung itanong kaya niya sa kapitbahay kung nasaan sina Jam. Baka naman nagkakamali lang siya sa mga hinala. Baka naman kung nasaan lang sina Jam. Baka nagbakasyon sa probinsiya o baka naman nasa nanay niya. Ang alam niya buhay pa ang nanay ni Jam.

Nagtungo siya sa kapitbahay ni Marie. Eksaktong nagsasampay ng damit ang isang kabataan pang babae na sa hula ni Marie ay katulong. Lumapit siya sa gate.

‘‘’Ne, magtatanong lang. Alam mo ba kung nasaan ang nakatira sa bahay sa kabila ?’’ Inginuso niya ang bahay nina Jam.

Lumapit sa kanya ang babae.

‘‘Umalis na po ang nakatira diyan, Ate. Mga isang linggo na po yata silang nakakaalis.’’

‘‘Alam mo kung saan daw pupunta?’’

‘‘Hindi ko po alam, Ate. Basta po may truck na naghakot ng gamit. Hindi ko po nakita ang may-ari.’’

“May mga bata?’’

“Hindi ko po nakita Ate. Basta ang nakita ko ay isinasakay sa truck ang mga gamit.’’

“Ah sige, salamat ha.’’

“Wala pong anuman, Ate.’’

Umalis na si Marie.

Habang naglalakad, nagtatanong siya sa sarili. Bakit kailangan pang iwan ni Jam ang bahay? Dapat hindi siya umalis sa kanilang bahay. Baka doon dalhin ng kanyang asawa ang kabit nito.

Nakadama siya ng awa kay Jam.

Problema kung paano niya ito makikita lalo’t iniutos ng kanyang boss na alamin kung ano ang nangyari rito.

Kinabukasan, nagulat si Marie nang mag-ring ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino, si Jam!

May ipinagtapat ito sa kanya na ikinabigla niya.

“Buntis ako Marie!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BAHAY

BAKA

BAKIT

JAM

KUNG

LUMAPIT

NIYA

UMALIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with