^

True Confessions

Black Widow (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TAMA na ang kagagahan niya! Tama na ang tatlong namamatay na asawa. Hindi na dapat madagdagan ang mga lalaking nagkaroon ng relasyon sa kanyang buhay. Last na si Mark!

Tama ang officemate niyang si Jam na huwag nang makikipagrelasyon para maputol na ang sinasabi niyang kamalasan. Mabuti at may kaibigan siyang katulad ni Jam na nagpapayo ng gagawin. Kung wala si Jam, baka nga matukso siyang mag-asawang muli.

Hindi na niya inisip ang lalaking nakita sa school nina Pau. At kung makikita niya muli ito, dedma lang. Hindi siya magpapakita na para bang nagpapa-charming. Kung makikita niya, lalayo siya para hindi ito magkaroon ng pagkakataon na makipagkilala.

At para namang nakikiisa ang pagkakataon sapagkat hindi na niya nakita ang lalaki sa school nina Pau. Napanatag ang kalooban niya mula noon. Wala na siyang iiwasan kung sakali.

NAGULAT si Marie nang lapitan ni Jam at yayaing magmeryenda.

“Maaga pa, Jam. Fifteen minutes pa bago mag-break time.’’

“Puwede na. Saka hindi naman tayo sa canteen kakain.’’

Nagtaka si Marie.

“Saan naman tayo kakain?’’

“Sa tapat ng building natin.’’

“Lalabas pa tayo?’’

“Oo. Halika na.’’

“Bakit dun pa?’’

“Basta halika na.’’

Nagtataka si Marie pero napilitan na rin siya. Pakiramdam niya, may sasabi-hing mahalaga si Jam kaya ayaw nito sa canteen nila. Kung sa canteen ay maa-ring may makarinig.

Mainit sa labas. Nakakapaso.

“Baka mangitim ako,” sabi ni Marie na nagtawa.

“Saglit lang mabibilad mangingitim na.’’

“Kasi’y puwede namang sa canteen e kung bakit lalabas pa.’’

“Basta sumunod ka na lang sa akin. Ako naman ang magbabayad.’’

“Talaga ha? Mukhang marami kang pera.’’

Hindi sumagot si Jam.

Tumawid sila sa kalsada. Nasa tapat mismo ang cafeteria.

Pagpasok nila ay nalanghap nila ang aroma ng kape.

Isang mesa sa sulok ang pinili nila. Nilapitan agad sila ng service crew at kinuha ang order. Si Jam ang nagsabi ng order.

Pag-alis ng crew, dumukot ng tissue sa bulsa si Jam.

“Bakit dito tayo kumain, Bru?’’ Tanong ni Marie.

Sa halip sumagot, bumunghalit ng iyak si Jam.

Gulat na gulat si Marie.

“Ba’t ka umiyak?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

BRU

GULAT

HALIKA

HINDI

JAM

NIYA

SI JAM

TAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with