^

True Confessions

Kastilaloy (179)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

NANG buksan ni Geof ang cabinet, bumulaga sa kanya ang mga alahas ni Carmina. Nasa jewel­ry box ang mga iyon. Bukod sa mga alahas, marami ring mamahaling relo at mga pabango roon. Inilagay niya ang mga alahas sa mismong handbag ni Carmina na nakitaan niya nang maraming pera. Sa dami ng alahas, para na rin niyang nakuha ang nakabaon sa musoleo ni Kastilaloy. At bukod sa alahas, mayroon pang cash. Puwede na!

Subalit nang mailagay niya ang mga alahas at iba pang mapapakinabangan, biglang may sumipa sa pinto. Bumukas bigla. Si Carmina! Hawak ang baril at nakatutok kay Geof. Nakanganga naman si Geof na parang nakakita ng multo.

“Natiyempuhan ka rin namin hayup ka! Tapos nang kasamaan mo!” Sabi nito na pirming-pirmi ang pagkakahawak sa baril at sa isang maling kilos ni Geof ay bubuga ng tingga.

“Tumalikod ka! Paharap sa pader!’’ Utos ni Carmina na tila alam na ang gagawin. Mukhang may nalalaman sa ganoong sitwasyon si Carmina. Mukha ring nag-aral sa pagbaril dahil walang kagalaw-galaw ang kamay na may baril. Walang sablay kapag kinalabit ang gatilyo.

Pero hindi kumilos si Geof para tumalikod. Parang walang narinig mula kay Carmina.

“Tatalikod ka o tadtarin na kita ng bala!’’ Sabi ni Carmina.

Nang biglang tumawag si Gina mula sa labas.

‘‘Ate Carmina mag-ingat ka! Mag-ingat ka!’’

Nalingat si Carmina sa tawag.

Sinamantala ni Geof ang pagkalingat at dinamba si Carmina. Eksaktong nahawakan ang kamay na may hawak na baril. Nagpambuno sila. Nag-agawan sa baril. Hindi binibitiwan ni Carmina ang baril kahit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Geof. Kahit anong mangyari, hindi niya bibitawan ang baril.

Subalit malakas si Geof. Pakiramdam ni Car­mina, may nakahawak sa kanyang kamay na bakal. Unti-unting pinipiga ang kanyang kamay na may hawak na baril. Nawawalan ng lakas ang kanyang kanang kamay. Unti-unting dumudulas ang baril na hawak dahil sa pagpiga ni Geof.

Nang humuhulagpos na ang baril sa kanyang palad, isang malakas na palo ang dumapo sa batok ni Geof. Sumuray ito. Parang boksingerong natuliro sa suntok na hindi nakita.

Naging dahilan iyon para mabitiwan ang kamay ni Carmina.

Si Gina ang pumalo kay Geof! Hawak nito ang rolling pin.

Nang akmang susugod pa si Geof, pinalo muli ni Gina sa mukha.

‘‘Hayup ka! Hayup ka!” Sabi ni Gina.

Duguan si Geof. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE CARMINA

BARIL

CARMINA

GEOF

GINA

HAWAK

HAYUP

NANG

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with