^

True Confessions

Kastilaloy (167)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SI GEOF ang kanilang nakita nang rebyuhin ang CCTV!

“Sabi ko na nga ba’t si Geof! Hindi ako nagkamali!” Nasabi ni Garet na halos manginig ang boses dahil sa matinding pagkainis o galit.

“Relaks lang Garet. Relaks lang,” sabi ni Tita Carmina na tinapik-tapik siya sa braso.

“Hindi ko mapigilan ang sarili ko, Tita. Na­buhay muli ang galit ko sa kanya. Kung hindi dahil sa pakikipagrelasyon niya sa aking mama, baka maayos pa ang relasyon namin.’’

“Okey, sige panoorin muna natin kung ano pang kalokohan ang ginawa ng Geof na ’yan. Pati ang maid ko e parang atat na atat yata sa lalaki.’’

Pinanood nila. Nakita nila ang lahat nang mga kinilos ni Geof mula sa pagpasok nito sa bahay. Nakita nila ang pag-uusap ng dalawa sa sopa. Kinukumbinsi ni Geof si Gina. Halos hindi na umalis sa sopa ang dalawa habang masinsinang nag-uusap.

Hanggang sa makita nila ang eksena na tila may hinihiling si Geof kay Gina. At ang sumunod ay ang paghalik ni Geof sa labi ni Gina. Tumagal din nang ilang segundo ang paghalik. Nagpapaubaya naman si Gina.

Hanggang sa matapos ang paghahalikan at nakita nila na pinaaalis na ni Gina si Geof. Hanggang sa umalis na nga ang lalaki.

“Tama talaga ang kutob ko na ang hayop na si Geof ang kasabwat ni Gina. Kumpirmado nang ang suot na kuwintas ni Gina ay kay Mama. Ninakawan pa niya si Mama ng alahas para maibigay kay Gina.’’

‘‘Palagay ko, pinanga­kuan ni Geof si Gina kaya sunud-sunuran ito. Parang natatakot si Gina.”

“’Yan din ang suspetsa ko Tita. At ang alahas ni Kastilaloy ang target niya.’’

Sumang-ayon si Tita Carmina. Nakikinig lang si Gaude.

Makaraang maibalik sa dati ang CCTV, pinag-usapan nila kung paano mahuhuli si Geof. Kaila­ngang mahuli ito sa akto.

“Ganito ang gawin natin, Tita,” sabi ni Garet. “Mag-uusap kami ni Gaude dito sa salas at iparirinig namin kay Gina ang tungkol sa alahas. Sa pag-uusap, iparirinig namin kung saan nakatago ang alahas ni Kastilaloy. Tiyak, pagnarinig ni Gina kung saan nakatago ang alahas, sasabihin agad niya iyon kay Geof. Sigurado kasing pupunta uli rito si Geof.’’

“Paano kung puntahan agad ang libingan ni Kastilaloy at hukayin ang mga alahas?” tanong ni Tita Carmina.

“No problem, Tita. Inalis na namin ang mga alahas sa musuleo. Inaasahan na kasi namin ito. Nasa safe na lugar na ang mga alahas.’’

“Matalino ka talaga, Garet. Naisip mo agad ‘yun.’’

“Kami ni Gaude ang nakaisip, Tita.’’

“Bagay nga kayong partner, ha-ha!”

Nagtawa rin si Garet at Gaude.

“So plantsado na ang plano?’’ Tanong ni Carmina.

“Well planned.’’

Makalipas pa ang ilang minuto, narinig nila ang pagdating ni Gina. Humanda na sina Garet at Gaude sa isasagawang plano.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAHAS

ANG

GARET

GEOF

GINA

HANGGANG

KASTILALOY

NAKITA

TITA

TITA CARMINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with