^

True Confessions

Kastilaloy (Sequel ng Sinsilyo) (155)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUNWARI ay nagwalis si Gina sa paligid nina Garet at Gaude pero ang talagang pakay niya ay makinig sa anumang pinag-uusapan ng dalawa.

Tiwala namang nag-uusap sina Garet at Gaude ukol kay Kastilaloy at walang kamalay-malay na sinasagap iyon ni Gina.

“Bigyan mo ako ng libro Garet. Gusto kong mabasa nang buo ang kasaysayan ni Kastilaloy.’’

“Siyempre naman. Ikaw pa ba ang hindi magkaroon nun e isa ka sa karakter sa kuwento. Parang lumalabas na bida ka nga, he-he!’’

“Bakit naman ako ang ginawa mong bida? Di ba dapat si Tito Mau dahil siya ang kumupkop kay Kastilaloy. Sa kanyang bahay niya pinatira at pinakain si Kastilaloy at iba pang matatanda .’’

“Ikaw kasi ang naging katulong ni Tito Mau at kung tutuusin, malaki ang naranasan mong hirap sa mga matatanda. Tapos, inapi ka pa ni Kastilaloy at naniwala naman si Tito Mau. Sinaktan ka pa ni Mau na muntik mo nang ikamatay. Pero sa kabila niyon ay pinatawad mo pa rin si Mau. Kaya ikaw ang bida para sa akin, di ba?’’

Napangiti si Gaude.

“Sige ikaw na ang bahala basta bigyan mo ako ng kopya ng libro. Tiyak kasing sold out yan sa bookstore. Maganda kasing story ni Kastilaloy.’’

“Sana ay magkatotoo ang sinabi mo, Gaude. “’Yan talaga ang pangarap ko, ang maging sikat na book author.’’

“Gusto mong maging katulad ni J.K. Rowling na sumulat ng Harry Potter series?’’

“Oo. Kaya lang pawang fiction ang sinusulat ni Rowling samantalang ako e true-to-life story.’’

“Mas maganda kung totoong nangyari ano?’’

“Siyempre naman.’’

“Siyanga pala, Garet, gusto mong sumama sa memorial park. Bibisitahin ko si Kastilaloy.’’

Pero sa halip na sumagot si Garet ay tinawag si Gina at nagpakuha ng juice.

Nagulat naman si Gina sa utos. Natulala.

“Gina, narinig mo ba ako?’’

“Po? A e opo. Tubig po ba?’’

“O akala ko narinig mo ako? Ikuha mo kaming orange juice.’’

“Opo Ate Garet. Saglit lang po.’’

Umalis si Gina.

Nagtataka si Garet kay Gina.

 

SAMANTALA, nahilig sa pag-inom ng alak si Mama Julia. Laging lasing.

“O senglot ka naman Jules. Ano ba ‘yan? Talo mo pa akong uminom.’’

“Kailangan kong uminom, hik para malimutan ang problemah. Baka bukas o makalawah wala na tayong bahay. Kukunin na ng banko, hik!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

GARET

GINA

HARRY POTTER

IKAW

KASTILALOY

KAYA

MAMA JULIA

OPO ATE GARET

TITO MAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with