^

True Confessions

Kastilaloy (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGURO nga kaya hindi ikinuwento ng mama mo ang tungkol dun e baka ayaw na niyang lumabas ang totoong ginagawa ni Papa. Siyempre, masamang reputasyon sa mga Polavieja. Gusto sarilinin na lang ang di-pangkaraniwang problema ni Papa. Ang hindi ko lang gusto, bakit kailangang ipamalita ni Tiyo Fernando at ng mama mo na nanlalaki si Mama at ako ay hindi niya anak. Masakit iyon para sa amin ni Mama. Pero siguro, mabuti na rin na nagkakilala tayo para malaman mo ang iba pa tungkol kay Papa. Kasi palagay ko’y ayaw nang magkuwento ang mama mo…’’

“Parang ganun na nga po, Tita.’’

“Pero bilib ako sa’yo, Garet – ano bang real name mo?’’

“Margarita po.’’

“Bilin ako sa’yo iha. Mahusay kang mag-research at magsaliksik.
Akalain ko bang matutunton mo ang kinaroronan ko. Wala na akong pag-asa na mayroon pang Polavieja na magkakainteres na makipag-meet sa akin. Kasi nga alam kong masama na ang pinakalat ukol sa amin. Namatay nga si Mama na ang tingin sa kanya ay lalakero. Kawawa naman ang Mama ko. At ako nga raw ay anak sa lalaki niya. Napakasakit!’’

Tumigil si Car­mina sa pagsasalita. Huminga nang malalim.

Pagkatapos ay tinawag ang maid.

Mabilis na lumapit ang maid.

“Dalhan mo nga kami ng juice or  coffee at saka ensaymada na ginawa ko. Para matikman ni Garet ang husay kong mag-bake… joke lang, ha-ha!’’

“Opo Ate.’’

Pagkaraan ay ipinagpatuloy ang pagkukuwento.

“Kasi nga’y ayaw nila kay Mama kaya siguro ganun ang pinamalita. Alam mo naman ang may lahing Kastilaloy, mga matapobre. Ang tingin sa mga hampaslupa ay Indio.’’

“Ayaw po nina Lolo Fer­nando sa asawa ni Tiyo Dionisio?’’

“Oo. Mahirap nga kasi. Gusto ng pamilya nila, mga ilustrado, alam mo yun Garet?’’

“Opo. Mga matataas po sa lipunan o alta sosyedad.’’

“Right! Masyadong mataas ang mga Pola-vieja lalo na si Don Venancio de Polavieja. Purong Kastilaloy yun.’’

“Wala pong naikuwento si Mama ukol sa mga ninuno.’’

“Kasi nga’y ayaw niyang may maungkat. Kasi kapag nabuksan ang isyu, maaaring may mahalungkat na kung anu-ano.’’

“E Tita, ano po yung sinabi mo kanina na baka nabiktima rin si Mama ni Lolo Dionisio. Ano po yun?”

Napatingin nang ma-kahulugan si Carmina kay Garet.

(Itutuloy)

vuukle comment

DON VENANCIO

E TITA

GARET

KASI

LOLO DIONISIO

LOLO FER

MAMA

POLAVIEJA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with