^

True Confessions

Kastilaloy (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASAAN na ang asawa at anak ni Lolo Dionisio, Mama?” tanong ni Garet na tila atat nang malaman ang buhay ng matanda. Ngayon lang kasi nagkuwento ang kanyang mama ukol kay Lolo Dionisio. Ayaw nitong pag-usapan ang ukol sa matanda. Pero ngayon, mula nang matunton ni Garet ang libingan ni Dionisio Polavieja, nagsimula nang magbigay ng info ang kanyang mama ukol sa misteryosong matanda.

“Hindi nga malaman kung nasaan sila Margarita. Ang sabi ni Papa noon--ni Lolo Fernando mo, nilayasan si Tiyo Dionisio mo at mayroon din namang nagsabi na si Tiyo ang lumayas dahil nga natuklasan na hindi pala niya anak ang anak na babae.’’

“Anong pangalan ng asawa ni Lolo Dionisio?”

“Amparo.’’

“’Yung anak nila? Anong pangalan?’’

“Carmina.’’

“Alin kaya ang totoo Mama?’’

Lumunok muna ng laway ang mama ni Garet bago nagsalita.

“’Yung version na nanlalaki ang asawa ni Tiyo Dionisio. Nahuli raw ni Tiyo ang asawa sa mismong kuwarto na may katalik na ibang lalaki. Si Papa – ang Lolo Fernando mo ang nagkumpirma sa akin. Ipinagtapat daw sa kanya ng kapatid ang lahat-lahat.’’

“Kawawa naman pala si Lolo Dionisio. Kinaliwa pala siya ng asawa.’’

“At sinabi rin ni Papa, na ang anak ni Tiyo ay hindi niya anak. Anak ito ng asawa niya sa kataksilan.’’

“Yun yung si Car­mina?’’

“Oo.’’

“Matagal din ba silang nagsama, Mama?’’

“Sabi ni Papa, mga 10 taon din nagsama sina Tiyo Dionisio at Tiya Amparo bago tulu-yang nilayasan ang mag-ina.’’

“Bakit kaya pinatagal pa niya ng 10 taon e alam na naman niyang pinagtaksi-lan siya at hindi naman niya anak ang isinilang ng asawa.’’

“Sabi ni Papa, naawa raw si Tiyo Dionisio sa bata kaya hindi napagpasyahang iwan agad. Napamahal na raw ang bata kay Tiyo Dionisio. Pero nang tumagal, umalis din. Iyon ang hindi na nalaman ni Papa dahil mula nang lumayas si Tiyo Dionisio, hindi na sila nagkitang magkapatid.’’

“So, ibig mong sabihin, namatay si Lolo Fernando na hindi sila nagkitang magkapatid?”

“Yup!’’

“Hindi man lang nag-effort si Lolo Fernando na hanapin ang kapatid na si Dionisio?”

“Ano bang hindi? Araw-araw ipinahahanap si Tiyo Dionisio. Nag-hire pa ng mga pulis si Papa para hanapin ang kapatid. Kasi nga’y dalawa lamang sila. Pero talagang hindi ito makita. Parang bula na nawala si Tiyo Dionisio.’’

“Ano pa ang mga naikuwento sa’yo ni Lolo Fernando?’’

“Mayroong sinabi si Papa na kakaibang gina­gawa ni Lolo Dionisio. Noong una, hindi ako maniwala pero napansin ko rin iyon noong tumira si Tiyo sa aming lumang bahay. Iyon ay nang lumayas siya sa kanilang bahay. Siguro, mga two weeks siyang tumira sa amin.’’

“Anong kakaiba ang ginagawa niya?’’

“Namboboso siya?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANAK

ANONG

DIONISIO

LOLO

LOLO DIONISIO

LOLO FERNANDO

TIYO

TIYO DIONISIO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with