^

True Confessions

Sinsilyo (207)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘HUWAG kang basta-basta papasok dito, estupido! Isusumbong kita kay Mau!” sabi ni Kastilaloy kay Tata Kandoy. “Umalis ka na!’’

“Oo Dune. May hina-hanap nga lang ako kaya ako nagpunta rito. Nag­hahanap nga ako ng sako.’’

“Walang sako dito, tonto! Huwag ka nang papasok dito!’’

“Pasensiya ka na Dune, hindi ko alam na bawal nang pumasok dito.’’

“Estupido ka kasi!’’

“Puwede ko bang malaman kung narito si Mau.’’

“Bakit?’’ Nandidilat ang mga mata ni Kastilaloy.

“Gusto ko lang malaman, Dune. Narito ba siya ?’’

‘‘Wala siya! Nasa babae niya este, nasa trabaho niya. Ba’t mo ba itinatanong tonto ka?’’

“Wala naman Dune, naitanong ko lang. Kasi hindi ko na siya nakikita. Sige, lalabas na ako.’’

‘‘Huwag na huwag ka nang papasok dito! Isusumbong kita kay Mau kapag nahuli kitang pumasok pa rito. Punyeta ka!’’

‘‘Hindi na ako papasok dito, Dune.’’

Umalis na si Tata Kandoy.

Naiwan namang nag-iisip si Kastilaloy. Nagdududa siya kay Tatang Kandoy. Sa isip niya, hindi kaya narinig ng tontong si Kandoy ang pinag-uusapan nila ni Lyka kanina. Hindi niya sigurado kung nailapat ang pintuan ng kuwarto ni Lyka. Hindi niya maalala. Napamura siya: Sinverguenzang Kandoy na iyon! Kung narinig ng tonto ang pinag-uusapan nila ni Lyka kanina, buking na sila. Delikadong malaman ni Mau ang balak.

Pero inalis ni Kastilaloy ang mga isiping iyon. Bakit ba siya mag-aalala e hindi naman siya sigurado kung narinig nga ba ni Kandoy ang pinag-uusapan nila ni Lyka. At saka imposibleng marinig dahil ibinulong lang sa kanya ni Lyka ang plano. Oo nga hindi naman inilakas ni Lyka ang plano. Ha-ha-ha! Masyado siyang nangamba e hindi naman narinig ni Kandoy ang balak. Masyado lang siyang nerbiyoso.

Ang dapat niyang isipin ay kung paano maisasagawa ang plano nila ni Lyka. Ngayong nagkakamabutihan na sila ni Lyka, talagang gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ang gusto nito. Lahat ay gagawin niya para matuwa si Lyka. At saka naaawa rin siya kay Lyka. Sinasaktan pala ni Mau. Punyetang Mau na iyon at nagawa pang saktan si Lyka. Hindi na naawa sa babae. Akala niya ay hindi marunong magbuhat ng kamay sa babae si Mau. Sinipa raw ni Mau si Lyka. Ipinakita sa kanya ni Lyka ang pasa sa likod. Nakahiga raw siya nang sipain at suntukin ni Mau. Punyeta pala si Mau!

At pagkaraan ay naalala ni Kastilaloy ang ginawa sa kanya ni Lyka kanina. Kinuha nito ang kanang kamay niya at ipinasok sa loob ng t-shirt nito. Ipinasapo ang mga ‘‘boobiski’’. Mainit-init ang mga iyon! Hindi siya nakakilos o nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Nagulat siya sa ginawa ni Lyka. Dalawang beses nang ginawa ni Lyka ang pagpasok ng kanyang kamay sa loob ng t-shirt. Talagang wild si Lyka.

At na-imagine ni Kastilaloy, ano kaya at sabihin niya kay Lyka na sila na ang magsama. Tutal naman at sinasaktan siya ni Mau. Puwede pa naman siya! Ano kaya at sabihin niya iyon kay Lyka? (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

KANDOY

KASTILALOY

LYKA

MAU

NIYA

SIYA

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with