^

True Confessions

Sinsilyo (159)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG i-intrega ni Lolo Kandoy kinabukasan ang lata ng barya kay Kastilaloy, naghinala ito dahil kulang ang laman.

“Bakit kakaunti ang laman niyan?’’

“Eto lang ang napalimusan ko, Dune,” sagot ni Lolo Kandoy.

“Kinupitan mo siguro!”

“Hindi!”

“Yung napalimusan nina Ciano, Indo at Amboy at iba pa ay punumpuno. Tanging ikaw lang ang kulang. Huwag kang magkakamaling mangupit Kandoy at masamang mangyayari…’’

“Hindi ako nangungupit Dune. Ito ba namang tanda kong ito ay mangu-ngupit pa. Magagalit sa akin ang Diyos.’’

“Kilala kita Kandoy.  Huwag kang magkakama-li at dudunggulin ko ang nguso mo. Marami kang atraso sa akin.’’

“Hindi ako nangungupit. Maski rekisahin mo ang kuwarto ko ay wala kang makikitang barya roon.’’

“Bakit pa? Basta nagkatotoo ang kutob ko na-ngupit ka, isusumbong kita kay Mau at tiyak na tatalsik ka rito katulad ng kaibigan mong rapist at magnanakaw. At bago ka lumayas, bibigwasan muna kita at tatadyakan sa bayag!”

Hindi na nagsalita si Lolo Kandoy pero gustung-gusto na niyang upa-kan ng suntok si Kastilaloy. Pero nagtimpi siya. Saka na niya gagawin iyon kapag plantsado na ang plano. Sa ngayon ay kailangang makisama muna siya at mag-artista sa harap ni Kastilaloy. Saka na lang ang pagganti.

“Tingnan mo ang mga lata na inintriga nina Ciano, Amboy at Indo, puno ng barya. Ikaw, kalahati lang!’’

“Bukas, sisikapin kong mapuno, Dune.’’

“Dapat lang! Kapag kulang na naman yan bukas, sasapakin kita!’’

Tumango lang si Lolo Kandoy pero gusto na niyang suntukin si Kastilaloy. Nagpigil siya. Saka na lang ang pagganti sa hayup na si Kastilaloy.

“Akina nga ‘yang lata!” sabi ni Kastilaloy at inagaw ang lata kay Lolo Kan­doy. Muntik nang ma­tapon ang mga barya.

Muli nagpigil si Lolo Kandoy.

“Sige alis na, estupido!”

Umalis na si Lolo Kandoy.

Pero habang palayo, nakangiti siya nang lihim. Talagang binawasan niya ang laman ng lata. Bakit niya ibibigay lahat ang mga pinagpalimusan? Hindi siya sira-ulo na ibibigay lahat ang pinagpalimusan at tapos ay nananakawin din ni Lyka at Kastilaloy. Akala ni Kastilaloy wala pa siyang alam tungkol sa mga ginagawa nila.

Balak ni Lolo Kandoy, kausapin ang iba pang matatanda para sabihan na huwag ding ibigay lahat ang pinagpalimusan kay Kastilaloy.  (Itutuloy)

vuukle comment

AMBOY

BAKIT

CIANO

HUWAG

KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO KANDOY

SAKA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with