^

True Confessions

Sinsilyo (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HAYUP na Gaudeng iyon at traidor. Pinakain ko na sa palad ko ay ako pa ang tinuka. Kung alam ko lamang  na gagantihan niya ako nang ganito e hindi ko na sana siya dinala rito sa Maynila. Pati ikaw, winalanghiya! Sana hindi mo ako pinigilan kanina at tinuluyan ko na,” sabi ni  Mau kay Lyka na nakahawak sa braso niya. Sumisinghot si Lyka. Parang umiiyak pero wala namang luha.

“E kung napatay mo e di ikaw ang kawawa. Makukulong ka. At ako paano?’’

Napatangu-tango si Mau. Nag-isip. Pagkatapos ay hinalik-halikan sa buhok si Lyka.

“Teka nga pala, Mau, paano mo nalaman na pinasok ako sa kuwarto ni Gaude at tinutukan ng patalim. Paano mo nalaman e nililihim ko nga iyon dahil ayaw kong magalit ka at may gawin kay Gaude,” sabi ni Lyka na nagawang palambutin ang boses para magmukhang totoo ang mga sinasabi.

“May nagsabi sa akin.”

“Sino nga?”

Noon lumapit si Lolo Dune Kastilaloy sa dalawa.

“Ehem!” sabi nito para mapansin ang paglapit.

Napalingon sina Mau at Lyka.

“Siya, Lyka! Si Tatang Dune!” Sabi ni Mau at tinapik sa braso ang matanda.

“Ah ikaw pala Tatang Dune! Ikaw pala ang nagtapat sa ginawa sa akin ni Gaude.’’

Nakangiti o nakangisi si Lolo Kastilaloy. Palipat-lipat ang tingin kay Mau at Lyka. Pero mas nagtatagal ang tingin kay Lyka. Kapag hindi nakatingin si Lyka ay titig na titig siya sa dibdib nito na halatang walang bra. 

“Salamat  po Tatang Dune at pinagtapat mo ang lahat nang nangyari. Mabuti at nalaman ko ang ginagawa ng ahas na si Gaude.’’

“Kasi’y naaawa ako sa’yo Mau at ganundin kay Lyka. Pinakain mo na si Gaude ay ikaw pa ang tutuklawin. Tapos, pinuwersa pa itong si Lyka.’’

“Salamat po Tatang Dune,” sabi  uli ni Mau.

“Marami pa akong ipagtatapat, Mau. Kapiraso pa lang ang sinasabi ko. Marami pang kalokohan si Gaude.’’

“Ano pa Tatang Dune? Ano pa ang ginagawa ni Gaude?’’

Tumingin si Kastilaloy kay Lyka. Pagkatapos ay kay Mau.

“Binobosohan pa ni Gaude si Lyka. May gina­wa siyang butas sa pader at doon sinisilipan habang naliligo si Lyka. Na-shock ako nang mahuli siyang naninilip. Pinagbantaan ako na huwag magsusumbong. Papatayin daw niya ako…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

GAUDE

KAY

LOLO DUNE KASTILALOY

LOLO KASTILALOY

LYKA

MAU

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with