^

True Confessions

Sinsilyo (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LALO nang hindi nakakilos at nakapagsalita si Gaude sa ginawa ni Tita Lyka. Kahit pa nakita na niya ang katawan ni Lyka dahil nasilip na niya ito sa butas na ginawa ni Lolo Kastilaloy, ngayong nasa harap na niya ito ay nabigla siya. Malakas ang kaba ng kanyang dibdib. Tinatakaw siya ni Lyka. Unti-unting ipinakikita ang katawan. Sinimulan nga sa pagpapakita ng makikinis at mahuhubog na hita. Kung makakapagbilang daw siya ng hundred thou mula sa mga barya ay may ipakikita at ito nga, sinimulan na.

Dahan-dahan pang itinaas ni Lyka ang laylayan ng manipis na pantulog. Umaabot na sa puno ng hita. Pataas nang pataas. At tila walang panloob si Lyka!

“Gaude, nakakita ka na ba ng ganito o hindi pa?’’ tanong muli ni Lyka na ang boses ay mistulang nanghihikayat.

Gustong sabihin ni Gaude na nakakita na sapagkat minsan na niya itong nasilipan sa banyo habang naliligo. Pero hindi niya masasabi iyon. Paano nga siya makapagsasalita gayung parang umikli ang kanyang dila?

“Ano Gaude, naka-kita ka na ba nito?”

Nang hindi pa rin magsalita si Gaude ay dahan-dahan pang itinaaas ang laylayan. Hindi na halos humihinga si Gaude. Tila eksperto naman si Lyka sa pambibitin sa pagtataas ng laylayan. Mahusay magpatakaw ang babaing ito.

Hanggang sa dahan-dahang ipakita ang nasa itaas pa ng hita. Wala nga yatang panloob si Lyka.

“Ooopsss, teka muna,” sabi ni Lyka.

“Ipakikita ko kapag nakagbilang ka na ng hundred thou. Kaya mo bukas, Gaude?’’

Sa wakas nakapagsalita si Gaude.

‘‘M-Mahihirapan n-nga p-po a-ako Tita Lyka. B-baka p-po d-di ko m-atapos.’’

“Hmmm, teka, si-guro kailangan ko nang itaas pa itong laylayan ko,’’ sabi at dahan-dahan uli na itinaas hanggang sa puno ng hita. Hanggang isagad na. Ipina­silip na! Wala ngang panty!

Nasa ganoong sitwasyon nang may lumagabog sa labas ng pinto. May bumato! Tila may inihagis.

“Ano ‘yun?’’ tanong ni Lyka. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO GAUDE

DAHAN

GAUDE

HANGGANG

LOLO KASTILALOY

LYKA

TILA

TITA LYKA

WALA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with