^

True Confessions

Sinsilyo (95)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG panty ni Kyla! Naiwan sa ibabaw ng tangke ng inidoro!

Nagdalawang isip si Gaude kung dadamputin ang panty. Itim ang panty. Bikini. Mukhang bago.

Dinampot ni Gaude ang panty. Habang hawak napansin niyang tuyo ang panty. Hinubad siguro bago maligo. Kakapiranggot ang panty. Ilang saglit na nag-isip kung ano ang gagawin sa panty. Dalhin kaya niya sa kuwarto nila ni Tito Mau? Pero bitbit niya? Baka kung ano ang isipin ni Tito Mau kapag nakita na hawak niya ang panty ni Lyka. Baka maghinala ito kung ano ang ginagawa niya sa panty. Siyempre hindi niya alam kung ano ang ugali ni Tito Mau kapag sangkot na si Kyla. Baka seloso ito. Lalo nga’t maganda at sexy si Kyla.

Hawak pa rin niya ang panty nang may biglang sumungaw sa pinto ng banyo.

“Hoy ano yan?’’ sabi.

Si Lolo Dune Kastilaloy!

Biglang naibaba ni Gaude ang panty sa tangke ng inidoro.

‘‘Kanino ‘yan?’’

‘‘Sa asawa po ni Tito Mau, kay Kyla. Naiwan po rito sa may inidoro.’’

“Bakit hawak mo?’’

Hindi agad nakasagot si Gaude.

‘‘Bakit hawak mo yan, tonto?’’

“E lilinisin ko po sana itong banyo at nakita ko ngang nakapatong kaya dinampot ko. Katatapos lang pong maligo ni Kyla.’’

“Bastos! Hindi mo dapat dinadampot ang gamit nang may gamit!’’

“Iniisip ko po kasi kung ibibigay ko kay Kyla. Dadalhin ko sana sa kuwarto nila…’’

“Tonto! Habi ka nga diyan at iihi ako!’’

Lumabas si Gaude at pumasok naman si Lolo Kastilaloy. Isinara ng matanda ang pinto.

Umalis si Gaude at tinungo ang kusina at ipinagpatuloy ang paglalampaso sa sahig.

Nagtaka siya kung bakit matagal lumabas sa banyo si Lolo Kastilaloy. Bakit doon pa umihi e mayroon naman silang banyo sa labas? Baka magalit si Tito Mau kapag nalaman na may ibang umiihi sa banyo. Baka siya pa ang mapagalitan. Naiinis na siya sa matanda.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BIGLANG

KUNG

KYLA

LOLO KASTILALOY

NAIWAN

PANTY

SI LOLO DUNE KASTILALOY

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with