^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (359)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TAO lamang siya at lahat nang tao ay nagkakamali. Iyon ang nasa isip ni Sam habang nakikipaghalikan kay Julia. At hindi naman siya ang lumapit kay Julia, kusa nitong ipinagkakaloob ang sarili. Ang totoo’y umiiwas nga siya sa babaing ito. Ilang beses na siyang umiiwas pero talagang tukso si Julia. Kahit na anong pag-iwas niya ay nagkukrus ang kanilang landas. At para matigil na ang panunukso sa kanya, kailangang matikman niya o kailangang matikman siya ni Julia. Sa madaling salita, dapat magkatikiman sila. Ang pagkasabik daw sa isang masarap at katakam-takam na pagkain ay mawawala sa sandaling tinikman. Malalaman niya nga-yon kung totoo iyon. Ka­ilangang matikman ang “lumpiang sariwa’’.

Nalaman na lamang ni Sam na nahubad na ang kanyang polo. Paano nahubad iyon. Baka nahubad niya kaninang matindi ang paglalapat ng kanilang mga labi. O baka naman si Julia ang nag­hubad? Posibleng si Julia dahil sanay na sanay. Pati pagliyad   ay sanay na sanay.

Hanggang sa ibangon niya si Julia. Mas kompor­table siya kapag nakatayo. Aywan niya kung bakit naisipan niyang itayo si Julia. Basta lang. Siguro’y para maibi-gay niya nang todo ang hinahanap ni Julia.

“Bakit Sam?” Bulong ni Julia kung bakit niya itinayo.

Pero hindi na sumagot si Sam. Tama na ang pagtatanong. Sinakmal na lamang niya ang maninipis na labi ni Julia. Kung sanay na si Julia, siya ay natututo na. Ibibigay niya ang gusto ni Julia. Itotodo na niya. Makikita ni Julia ang hinahanap niya.

Habang sakmal niya si Julia, kumikilos naman ang kanyang kanang kamay. Tatanggalin na niya ang bra ni Julia. Kanina pa niya gustong makita ang mga “papaya” ni Julia. Sabik na rin siya sa ipinagyayabang ni Julia.

Nang tatanggalin na niya ang hook ng bra ay saka niya narinig ang pag-ring ng kanyang iPhone. Nasa bulsa niya ang phone.

KRIINGG…!

May tumatawag. Napaangat si Sam sa pagkakasakmal sa labi ni Julia.

“Sino yan Sam?”

Dinukot ni Sam ang phone na patuloy sa pag-ring. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag.

Si Dra. Sophia del Cruz!

Bahagyang si-yang lumayo kay Julia makaraang mag-excuse.

Sinagot niya ang tawag. (Itutuloy)

vuukle comment

AYWAN

BAHAGYANG

BAKIT SAM

BULONG

CRUZ

JULIA

NIYA

SAM

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with