^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (240)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAINIT at nakapapaso ang mga labi ni Julia. Humigpit ang pagkakayakap ni Julia kay Sam at idiniin pa ang mga labi nito. Agresibong-agresibo si Julia na parang ayaw nang pakawalan si Sam. Si Sam naman ay natatangay na sa ginagawa ni Julia. Parang sanay na sanay sa pakikipaghalikan si Julia. Marunong na maru-nong nang makipaglaban ang dila. Pero sa totoo lang, natatangay na si Sam. Lalaki siyang tunay at ang tunay na lalaki ay hindi basta-basta umuurong sa laban lalo na’t kung babae ang nagpapakita ng motibo.

Idinikit ni Julia ang dibdib sa dibdib ni Sam. Naramdaman ni Sam ang umbok ng mga suso ni Julia. Naalala niya noong nasa high school sila na maliit lang ang suso ni Julia – ga sintures lang – pero ngayon ay parang sa manibalang nang papaya. At sa totoo rin lang, ang paglapat ng ‘‘papaya’’ ni Julia ay nagdagdag sa nararamda-    mang alimpuyo ng init sa katawan ni Sam. Natatangay na si Sam. Lalaki siyang tunay.

Gumapang ang kamay ni Sam at dinama ang manibalang na ‘‘papaya’’. Hindi tumutol si Julia sa ginawa ni Sam. Nagpaubaya pa nga ito. Kung mangangahas si Sam na pati ang kabilang ‘‘papaya’’ ay damahin, okey lang sa kanya.

Masarap sa hipo ang manibalang na ‘‘papaya’’. Kahit may balot, madarama ang kinis ng balat. Ibang-iba na talaga si Julia kaysa noong nasa high school sila. At akalain ba niyang ang kaklase niyang ito ay magkakaroon pala sila nang hindi malilimutang karanasan. Sabagay, noon pa naman ay halata nang may malaking pagkagusto sa kanya si Julia. Siya lang ang umiiwas. Pero ngayon, hindi na siya makaiwas.

Idiniin pa ni Julia ang mga labi sa labi ni Sam. Mainit na mainit talaga. Pinagapang naman ni Sam ang palad sa kabilang ‘‘papaya’’. Wala ngang reklamo si Julia. Kung ano ang gustong gawin ni Sam, ay nagpapaubaya lang siya.

Nasa ganoon silang kalagayan nang biglang may bumagsak na bato sa bintana. May bumato sa bintana!

Biglang naiangat ni Sam ang labi sa labi ni Julia.

‘‘Ano ‘yun?’’ tanong niya.

‘‘H’wag mong intindihin ‘yun!’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

AGRESIBONG

ANO

BIGLANG

JULIA

LALAKI

LANG

PERO

SAM

SI SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with