^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“LOLO anong nangyari kay Mama Lina?” tanong ni Sam makaraang ibalita ni Tatay Ado ang nangyari kay Lina.

“Nasa ospital daw.”

“Bakit Lolo?”

“Binugbog yata ng asawa niya. Yung si Kardo.”

“Salbahe siya Lolo. Nakita ko kahapon na kinaladkad si Mama Lina. Nasaktan si Mama Lina. Kawawa naman.”

“Huwag kang gagaya kay Kardo paglaki mo ha? Masama yun. Bad.”

“Hindi ako bad, lolo.’’

“Ganyan nga. Ang babae ay minamahal at hindi sinasaktan. Gaya ko, mahal ko si Lola. Hindi ko siya sinasaktan kahit kailan. Mahal ko si Lola mo,’’ sabi at tumi­ngin kay Nanay Cion na nasa di-kalayuan.

“Ako rin gagaya sa’yo Lolo. Hindi ko rin sa­saktan si Aya. Mamahalin ko siya.”

Napahalakhak si Tatay Ado. Maski si Nanay Cion ay nagtawa rin.

“Aba at talaga palang mahal mo si Aya, Sam.”

“Opo. Pakakasalan ko siya.”

Lalo pang nagtawa si Tatay Ado. Nagkunwari siyang naniniwala sa sinasabi ni Sam.

“Saan naman kayo titira ni Aya?”

“Dito.”

“Dito sa bahay natin.”

“Oo.”

“Bakit dito?”

“Para kasama namin kayo ni Lola. At saka ayaw kasi ni Aya sa Maynila. Nata­takot daw siya sa kanyang Papa Janno.’’

Hindi agad nakapagsa­lita si Tatay Ado. Maraming nalalaman si Sam kay Aya. Nagkukuwento si Aya kay Sam kapag dumadalaw. At laging kinukuwento ang tungkol sa asawa ni Brenda­ na si Janno. Natatakot daw si Aya kay Janno.

Napansin ni Tatay Ado na nalungkot si Sam nang maalala si Aya.

Pagkatapos makipag-usap kay Tatay Ado ay nagtungo si Sam sa bintana at tumanaw doon. Hinihintay ang pagdating nina Aya.

Pero ilang araw na niyang inaabangan sina Aya ay hindi ito duma­rating. Lungkot na lungkot siya. Gusto na niyang makita si Aya.

At nangako siya na kapag dumating si Aya, pipilitin niya ito na huwag sumama kay Mommy Brenda sa pag-uwi sa Maynila. Iiyak siya nang malakas para mapilit si Mommy Brenda na huwag­ itong isama pa­balik. Sana, ginawa na niya iyon noong huling umuwi rito. Para magkasama na silang dalawa rito.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BAKIT LOLO

KAY

LOLA

MAMA LINA

MOMMY BRENDA

NANAY CION

SHY

SIYA

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with