^

True Confessions

Thelma(117)

- Ronnie M. Halos -

“SAAN ka sasakay Thelma?” Tanong ni Trevor nang makalabas na sila sa Chow King. Hindi na gaanong masakit ang init ng araw sa kanilang balat.

“Yung mga dyip na yun na patungong Balic-Balic. Isang sakay lang ako at lalakarin na ang tirahan ng anak ko.’’

“Sige, Thelma, ingat. Magkikita pa kaya tayo?”

Napangiti lang si Thelma. Baka hindi na, sa isip niya. Ano pa ba ang gusto ni Trevor? Hindi na niya sinagot.

“Sige Trevor. Ikaw saan ka sasakay?”

“Dito sa may Quezon Blvd. patungong Dapitan ang dyip. Magkikita pa kaya tayo Thelma.”

“Ewan ko, Trevor. Hindi na siguro. Sige…”

Umalis na si Thelma. Hindi na nilingon si Trevor. Kung lili-ngon siya ay baka may sabihin pa. Ayaw na niyang may mamagitan pa. At ayaw din niyang malaman pa ni Trevor na nagbunga nga ang kanilang minsang pagtatalik. Ayaw niyang magulo pa ang buhay nilang mag-ina. Baka magbago pa ang pagtingin ng anak niyang si Trev kapag nalamang hindi naman pala siya anak ni Delmo. Magugulo lang ang buhay nilang mag-ina.

Maaaring iyon na ang huli nilang pagkikita ni Trevor Buenviaje. At hindi na siya gagawi sa lugar na ito ng Quiapo na pinupuntahan pala ni Trevor. Ayaw na niyang magkaroon pa ng relasyon kay Trevor. Tama na ang nangyari sa kanila.

NAG-AARAL si Trev nang dumating si Thelma. Nagkiss si Trev nang makita ang ina.

“Saan ka galing ‘Ma?”

“Sa Quiapo. Nakipagkita ako sa dealer ng spareparts.’’

“Mag-iingat ka sa paglalakad sa Quiapo at maraming mandurukot at snatcher dun. Yung isang kaklase ko, nahablutan ng kuwintas.’’

“Nag-iingat ako, Trev. Eto ngang bag ko, nakalagay sa unahan ko kapag naglalakad.’’

“Kailan ka uuwi, ‘Ma?’’

“Bukas uuwi na ako. Walang nagma-manage ng shop natin.”

“Kailan ka uli babalik?”

“Baka next month na.’’

Nalungkot si Trev. Nahalata ni Thelma.

“Bakit nalungkot ka yata?”

“Wala ‘Ma.’’

“Magsabi ka ng totoo. Bakit ka nalungkot?”

Umiling si Trev. Binuklat ang libro.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BAKIT

CHOW KING

THELMA

TREV

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with