^

True Confessions

Thelma (16)

- Ronnie M. Halos -

“MATANDA na ako Thelma, kahit siguro magkaasawa ako e baka hindi na ako magkaanak.”

“Ilang taon ka na Ate Marie?”

“Malapit na akong mag-50 Thelma.”

“Puwede pa siguro yun Ate.”

“Baka mahirapan na akong mag-anak at saka baka ang maging anak ko ay autistic. Di ba kapag may edad na raw ang babae, kadalasang ang anak ay autistic.”

“Ganun ba yun?”

“Sabi. Matagal ko nang narinig yun, Thelma kaya nga naguguluhan ako.”

“Pero Ate Marie, virgin ka pa?”

“Ay ano bang tanong mong yan.”

“Kung virgin ka pa Ate? Sige na tayong dalawa lang naman.”

“Oo naman. Wala pang nakakahawak dito. Virgin na virgin talaga. Pati nga itong suso ko wala pang nakakahawak.”

“Talaga palang masu-werte ang mapapangasa-wa mo.”

“Ay oo naman. Talagang dyakpat. First lahat.”

Napahagikgik si Thelma.

“E teka nga Thelma. Masakit ba kapag ipinapasok ng lalaki ang ano niya?”

Nakangisi si Thelma. Hindi niya inaasahang itatanong iyon ni Marie.

“Masakit sa simula pero pagtumagal na e ma­ sarap.”

“Paanong masarap, Thelma?”

“Masarap, Basta masarap. Libog na libog.”

Si Marie naman ang napahagakhak.

“Kaya mag-asawa ka na Ate Marie para malasahan mo ang sarap.”

“Kung puwede nga lang na manghatak ng lalaki diyan sa tabi-tabi e di ginawa ko na. Gusto ko na rin matikman yung sinasabi mong sarap.”

“Naku tiyak na masisi-yahan ka, Ate Marie. Talagang hindi mo malilimutan ang una mong karanasan.”

Nagtawanan ang dala­wa.

Natigil lamang kuwentuhan at tawanan nang humingi ng dede si Trev. Pinasuso ni Thelma ang anak. Natahimik.

“Bukas daw ay agahan ko ang pasok. Maaga raw magbubukas si Mang Caloy.”

“Siguro marami na talagang customer. S­i­pagan mo pa para kawi-lihan ka ni Caloy. Mabait naman yun.”

“Oo Ate. Talagang si­si­pagan ko. Lahat ay gagawin ko para kawilihan niya. Palagay ko naman tatagal ako sa tindahan. Madali lang naman ang trabaho.” (Itutuloy)

vuukle comment

ATE

ATE MARIE

MANG CALOY

MASAKIT

NAMAN

OO ATE

TALAGANG

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with