^

True Confessions

Takaw (77)

- Ronnie M. Halos -

PAGDATING sa inuupa-hang kuwarto ay isina-lang ni Trevor ang biniling “bold” na pelikula. Hindi iyon ang unang pagkakataon na manonood siya ng “malaswang pelikula”. Noong nasa kolehiyo pa siya, nakapanood na siya. May isang pagkakataon na nanood sila sa bahay ng isang kaklase niya. Pero para sa kanya, dapat ay pribado lang ang pano­nood ng malaswa. Ayaw na niyang manood na may kasama.

Nagliwanag ang screen ng TV. Maya-maya, gumi-ling na. Sa una pa lang ay rumaratsada na agad ang maiinit na tagpo. Wala nang pasa-pasakalye pa. Banatan agad. Matitindi ang ungol ng babae. Mas nangingibabaw ang ungol at halinghing. Walang istorya ang pelikula. Talagang pawang pagtatalik lamang. Wala siyang makukuhang ideya sa pelikula. Hindi niya kailangan ang basta pagtatalik lang. Hindi naman pornographic ang gagawin niya.

Itinigil niya ang pinano­no­od at sinalangan ng iba. Pero ang isinalang niya ay ganoon din. Sa una pa la­mang ay birada nang uma­­atikabo. Ang kaibahan lamang ay dalawang babae ang katalik ng lalaki. Pawang ungol din ang nangi­ngi­babaw. Nag-aagawan ang dalawang babae sa isang “talong”. Pero walang istor­ya. Nakakasawa rin ang pawang pagtatalik.

Itinigil din niya ang pelikula. Isinalang ang pangatlo. Pero wala ring makuhang kuwento roon. Ganundin ang ikaapat nang isalang niya. Nag-isip siya kung isasalang pa ang panglimang pelikula. Tinatamad na siya.

Pero sinubukan din niya. Nasimulan na rin lang ay tapusin na. Bakasakali ay matiyempuhan niya.

Gumiling ang pelikula. Isang babae (mga 50 anyos) ang nagbibihis sa isang kuwarto. Kahit may edad na ay maganda pa rin ang babae. Nagpapalit ito ng panty. Halatang may pagka-konserbatibo ang babae dahil tinatakpan ang maselang bahagi. Naisuot ang panty. Hinubad naman ang t-shirt. Wala palang bra. Nagpalit nang mas manipis na tshirt. Buma-kat ang mga suso.

Matapos iyon ay tinu-ngo ang kama at saka nahiga. Nakatingin lamang sa kisame. Maya-maya may narinig na katok sa pinto ang babae…

Nasa ganoon ang ek­sena at tangay na si Tre-vor nang biglang mag-ring ang phone… Kandarapa siya sa pagtakbo sa kina­roroonan ng phone. Hina-yaang gumigiling ang pe-likulang pinanonood…

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BABAE

BAKASAKALI

BANATAN

ITINIGIL

NIYA

PELIKULA

PERO

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with