^

True Confessions

Takaw (59)

- Ronnie M. Halos -

SA bahaging iyon ng pagkukuwento ni Lola Imang ay nadama ni Trevor ang matinding kalungkutan sa boses ng matanda. Siguro’y naalala ang ma-tinding trahedya na sinapit ng kapatid. Nakapatay dahil sa kasamaan ng kinakasamang babae at nadamay pati ang anak niya.

Nang magsalita muli si Lola Imang ay naging marahan na ang pagsasalita nito.

“Nang nasa kulungan na sa munisipyo si Dionisio ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. Dinalhan ko siya ng pagkain doon. Ayaw makiharap sa akin. Para bang nawala na lahat ang pag-asa niya sa buhay. Ang mga mata niya ay tila lampasan kung itingin. Wala akong makitang kislap sa mga mata kundi pawang kabiguan. Awang-awa ako sa kapatid ko. Bakit ang kapatid ko pa ang nagdanas ng ganitong kabiguan. At nasisi ko ang kanyang asawa. Si Lolit ang nagdala ng malas sa buhay niya.

“Napapayag ko rin si Dionisio na magsalita sa nangyari. Maluwag naman ang mga pulis sa munisipyo kaya hinayaan akong makausap nang masinsinan si Dionisio.

“Kuwento ni Dionisio, nang maganap ang krimen na iyon ay mga dakong alas-nuwebe. Umuwi raw siya ng bahay dahil nakadama siya ng panghihina ng katawan habang nasa kaingin. Nasa tagiliran daw niya ang itak na bagong hasa.

“Tuluy-tuloy daw siya sa kanilang bahay at hindi na tumawag kay Lolit. Pag-akyat daw niya ng bahay ay nakita niyang bukas ang kanilang kuwarto at may naririnig siyang ungol. Napasugod daw siyang bigla sa kuwarto at naabot niya ang tagpong iyon kung saan ay nasa ibabaw daw si Lolit at tila nalulunod sa ginagawa. Habang si Alex naman daw ay walang ka-kilus-kilos sa ilalim.

“Bugso ng galit ang namayani. Hinugot niya ang itak at tinaga si Lolit. Isa…dalawang taga. At pagka-tapos ay si Alex. Umagos ang dugo.

“Wala na raw siyang naisip kundi ipaghiganti ang pinugayang pagka-kalalaki. Namayani ang poot. Nagsisigaw siya sa labis na galit. Ang kanyang pagsigaw ang nagpabalikwas sa mga kapitbahay.

“Pagkatapos ay sa baytang ng hagdan siya naupo. Doon na siya ina­butan ng mga kapitbahay. Nagkagulo na. Nag-usyuso na. Pero walang mangahas   na umakyat.

“Pero bukod doon mayroon pang ibang pinagtapat si Dionisio. Ang ginagawa pala nina Lolit at Alex ay nalaman na niya noon pa. Sinabihan na niya ang dalawa. Si Alex ay pinayuhan niyang magtungo sa kapatid nito pero hindi siya sinunod. Ipinagpatuloy pa rin ang pakikipaglaro kay Lolit…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEX

DIONISIO

LOLA IMANG

LOLIT

NANG

NIYA

PERO

SI ALEX

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with