^

Ako ay Makasalanan (90)

- Ronnie M. Halos () - February 8, 2010 - 12:00am

TAMA ang tip ni Mon. May dala ngang clutch bag si Mr. Dy kapag nag­pupunta sa aking unit. Kaya hindi ko napapansin ay ipinapatong niya sa ibabaw ng meseta sa salas. Inabangan ko siya ng gabing iyon sa salas at tama nga. Brown na leather clutch bag ang dala niya. Halos namu­mutok sa laman. Pag­kapasok ay inilagay niya iyon sa meseta. Hindi ko pinahalata na nakatutok doon ang atensiyon ko.

“Maaga ka yata nga­yon,” sabi ko sabay yakap at halik sa bibig. Amoy alak ang Tsekwa. Laging ganon ang amoy niya. Naghalong alak at siga­rilyo ang hininga. Noon ay pasado alas-diyes ng gabi. Karaniwang alas- dose ng hatinggabi o madaling-araw ang da-ting niya.

“Maagang natapos ang meeting namin. Ayaw mo ba maaga ako?”

“Gusto ko nga para ma­rami tayong magawa,” sagot at binuntutan ng malanding tawa. Ibinuhos ko na ang acting para ma­tuwa at dagdagan ang da­tung.

“Bagong paligo?”

“Siyempre naman. Ka­ilan ka ba nagtungo rito na hindi ako bagong paligo?”

Hinalikan ako sa leeg. Sinisigurado kung bagong paligo nga. Napangiti pag­katapos.

Nang bumitaw ay nag­paalam na pupunta sa comfort room. Medyo masama raw ang tiyan. Inihatid ko hanggang sa may CR.

“Me sabon diyan at tissue,” sabi ko.

Isinara ang pinto.

Iyon ang hinihintay   kong pagkakataon. Madali akong nagbalik sa salas at tinungo ang mesetang ki­napapatungan ng clutch bag. Hindi na ako nag­pa­udlut-udlot pa. Binuksan ko iyon. Tama ang tip ni Mon. Maraming pera na naka-   tali ng lastiko ang laman ng clutch bag! Kinuha ko ang isang bundle. Mabilis ko ring isinara ang clutch    bag. Isinauli sa dating po­sisyon ang clutch bag at pagkatapos ay mabilis akong nagtungo sa ku­warto. Binuksan ang cabinet at isiniksik ko sa pagi-tan ng mga damit ang bun­dle ng pera. Isinara ang cabinet.

Eksaktong isinasara ko ang cabinet ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto ng CR. Tapos na ang Tsek­wa.

Lumabas ako. Naka-brief na lang si Mr. Dy. Si­guro’y naisip na maghu­hubad din lang naman e maghubad na.

“Ang tagal mo naman, kanina pa ako nasa ku­warto,” sabi kong may arte.

“Sumakit ang tiyan ko,” sabing nakasapo ang palad sa malaking tiyan. “Pakikuha mo nga ang pantalon ko at polo sa CR,” sabi at pumasok     na sa kuwarto.

Kinuha ko ang pan­talon na nakasabit. Ki­napa ko ang pitaka sa bulsa. Matambok. Pero hindi ko pakikialaman dahil barya lang ang laman niyon kumpara sa nasa clutch bag na pa­wang nasa bundles.

Nakahiga na si Mr.   Dy. Ako na ang gumawa ng hakbang para siya masiyahan. Dating gawi sa pagpapaligaya sa taong walang sawa sa “laman”. Titiisin ko dahil nakuha ko na ang bayad at sobra-sobra pa. One time lang at sisibatan ko na ang Tsekwang ito.

(Itutuloy)

AKO BAG BINUKSAN CLUTCH ISINARA MR. DY SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with