^

True Confessions

Black Pearl (96)

- Ronnie M. Halos -

MAY edad na kami kapwa ni Rina at dapat na tala­gang mamahinga na sa pagsa-saudi. Ipinasya na naming sa Pilipinas gugu­lin ang mga natitira pang sandali ng aming buhay. Wala naman kaming mahi­hiling pa liban sa anak pero natanggap na namin iyon. Maligaya kami kahit wa­lang anak. Hindi na rin namin itinuloy ang balak na pag-ampon. Naisip ko, baka magdulot lamang ng gulo kung kukuha kami ng palalakihin. Marami nang pangyayari na ang inam­pon ang nagbigay ng pro­ble­ma.

Marami kaming nai­pong pera ni Rina. Dahil wala namang anak, kahit na magpakuya-kuyakoy ay puwede na. Kakain kami sa oras.

Yung bahay ko sa Lagro ay ipinagawa kong two-storey. Sabi ni Rina, dapat pa bang palakihin iyon e dalawa lang naman kami. At paano raw kapag nawa-la kami, sino ang makiki- na­bang. Sagot ko, malay niya may sumulpot siyang kamag-anak at ganoon din ako. Katwiran ko, marana­san namin ang malaking bahay. Bago man lang ma­maalam sa mundo ay ma­kapag-enjoy sa buhay.

“Me malaki nga tayong bahay e wala naman tayong sasakyan,” sabi niya.

“E di bumili tayo.”

“Ay talagang gigil na gigil ka sa pera mo, Frankie Boy?”

“Ano pa. Ikaw baka gus­to mong bumili naman ng helicopter.”

Nagtawa.

“Para me income tayo, ipagawa ko rin ang bahay ko, Frankie. Gawin kong   dor­mitoryo. Me itatayong school sa malapit at tiyak ko kikita tayo roon.”

“Aba sige.”

Nangyari ang mga iyon. Sobra-sobra ang aming pera ni Rina. Yung naiuwi naming pera mula sa Saudi Ara­bia ay natriple pa. Wala na nga kaming mahihiling pa.

“Ano pa ang gusto mo Rina?”

“Wala na. Ikaw ano pang gusto mo, Frankie?”

“Wala na rin. Ikaw lang ang gusto ko.”

“Sweet naman.”

“Ano pa ba ang hihilingin ko ngayon kundi sana e sa­bay tayong mamaalam sa mundo. Kasi baka hindi ko kayanin kung mauuna ka.”

“Ay ano bang salita ‘yan. Parang kung magsalita ka e hukluban ka na. Para 65 years old ka lang at ako e 50 e kala mo bukas lili­san na tayo.”

“Nasasabi ko lang na­man ang ganoon. Ibig kong sabihin, gusto e lagi ta­yong magkasama. Yun lang naman ang gusto ko ngayon at wala nang iba.”

“Wala ka na talagang balak na may malaman sa kaibigan mong si Fernan­do. Ano na kayang nang­ya­ri sa kanya ano?”

Nagtaka ako kung ba­kit si Rina ngayon ang nag­karoon ng interes kay Fer­nando. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

FRANKIE

FRANKIE BOY

IKAW

LANG

RINA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with