^

True Confessions

Black Pearl (72)

- Ronnie M. Halos -

AYAW kong magya- bang pero mayroon yata akong “bertud” kung pa­ano huhulihin ang kiliti ng anak ni Eba. Huling-huli ko agad ang kiliti ni Rina Baby. Hindi pa na­kahanda ang isusubo ay nakaabang na. Ha-ha-ha! Relaks lang, bulong ko. Hindi muna. Sa pakiki­paglaro lalo kung mahal mo ang isang anak ni Eba, dapat ay marahang-marahan at suwabeng-suwabe para marating ang karurukan. Hindi pu­wede ang sinasabi ng ilan na kailangan daw ay da­lasan para hindi ma­limu-tan. Mas dahan-dahan at sure ay mas hindi naka­kalimutan ng sinumang anak ni Eba.

Hindi naman sa pagta­taas ng sariling bangko, meron akong “art” o sining sa pagpapaligaya. Kaila­ngan ang art sa pakikipag-isa. Hindi yung kung pa-ano-ano na lang o bara-bara na lang ang tirada. At dahil mahal ko si Rina Baby, ibinuhos ko ang alam sa sining na kabisadung-kabisado ko na.

Sinimulan kong tang­galin ang damit ni Rina Baby. Marahan din. Maga­an ang mga kamay ko.   Na­­katingin lang si Rina Baby sa akin pero may bahid ng ngiti sa labi. Nag­papaubaya siya. Isang patunay na isinusuko ang katawan sa akin.

Natanggal ko ang pang-itaas. Kasunod kong tinang­gal ang nakasapo sa da­lawang “bundok” na hindi pa gaanong nasasalanta. Maganda pa ang porma. Matikas ang tindig. Maa­laga rin sa katawan si Rina. Isa pa nga’y walang anak.

Gaya ng ginagawa ka­pag may sinasamba, di­nampian ko ng halik ang isa sa mga “bundok”. Na-pa­pitlag si Rina Baby. Hmmm… hindi pa nga na­sasalanta. Talagang maya­bang ang tindig. Inulit sa kabilang bundok. Hindi na padampi kundi may pag­lasa na. Hindi na napapit-lag si Rina Baby. Hmmm… tunay na tunay. Iba si Rina Baby kaysa kay Melissa. Si Melissa ay marami nang pinagdaanan samanta-lang si Rina Baby ay isa lang ang nakinabang at sandali lang. Masuwerte nga ako kay Rina Baby. Kung tutuusin parang dala­ga pa siya.

Ang pang-ibaba naman ang tinarget ni Frankie Boy. Walang kakilus-kilos  si Rina. Nagpapaubaya. Natanggal ko ang shorts. Naidaan sa mga paa. Ma­rahan kong pinatong sa headboard ng kama. Na­lantad naman ang itim at karampot na saplot. Bagay sa kaputian ng kutis.

Hindi ko na pinatagal pa ang pagtanggal sa nag-iisang saplot na iyon. Hi­natak pababa. Mabilis na naidaan sa mga paa. Ipi­natong ko sa kama. Pina­g­masdan ko ang bahaging tinakpan. Gubatan. Ma­dilim. Pero nakakasiguro akong hindi rin salanta    ang kagubatan.

Doon ko na ini-aplay ang nalalaman ko sa “art” sa pakikipagtalik. Sinam- ba ko ang kagubatan. Bu­ong husay na ginawa ang lahat para lalong masi­yahan ang minamahal kong si Rina. Napaungol si Rina. Napakislot nang marahan. Lalo kong ina­play ang husay. Napa­ungol uli. Saka ginawa ko na ang talagang narara­pat sa mahal kong si Rina. (Itutuloy)

vuukle comment

BABY

EBA

FRANKIE BOY

HMMM

LANG

RINA

RINA BABY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with