^

True Confessions

Prinsipal, titser maningil ikiha

- Ni Guamittos Logroño -

(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

PERO nahihiya man sa mga kapitbahay at ka­kilala sa aming probin­siya dahil sa hindi ko pag­katuloy sa United States, walang nagawa si Nanay kundi umuwi at harapin ang katotoha­nan. Hindi ko sila maa­aring patirahin sa maliit na kuwartong inuupahan ko. Ang perang natitira sa akin ay kasyahan na lamang para sa isang buwan ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng kasunod.

“Paano ka rito, Cin­dy?” tanong ni Nanay ng umagang paalis na sila nina Patsy at Cholo pa­tungong probinsiya.

“Bahala na Nanay. Mag­hahanap ako ng trabaho…”

“Kung sumama ka na lang sa amin at doon ka na lang muna…”

“Mas lalong wala akong mararating sa probinsiya, Nanay.”

“Mas lalong magugutom ka rito. Doon sa probinsiya kahit paano may tu­tulong…”

“Dito na muna ako sa Pasay Nanay. Kapag may maganda nang balita ay tatawagan ko kayo ni Patsy sa cell phone.”

Umalis na sina Nanay.

Nag-umpisa ako sa pag­hahanap ng trabaho. At malaking problema ang kawalan ng mataas na pi­nag-aralan. Ang high school graduate na katulad ko ay mahirap makakuha ng trabaho. Kasabay ko sa pag-aaplay ay may natapos na degree.

Minsan, gusto ko nang mag-aplay na GRO sa isang KTV. Maganda pa rin naman ako at hindi pa katandaan. Pero hindi ko iyon ginawa. Maaaring ma­putikan ako kapag nalinya sa ganoong trabaho. Ma­lapit sa tukso kapag nag­trabaho sa mga pang­gabing establisimento.

Hanggang sa isang department store sa Recto Avenue ang tumanggap sa akin bilang saleslady. Maliit lamang ang suweldo pero pinagtiyagaan ko na. Ka­ilangan kong kumita para sa aking sarili. Mamamatay ako sa gutom kapag hindi pa kumita sa mga susunod na araw. Bahala na. Siguro naman ay may darating pa sa akin na mas magandang biyaya. Hindi ako nasi­siraan ng loob na sa kina­bukasan ay matutupad din ang pangarap kong maka­rating sa United States.

Kapag day-off ko ay wala akong tigil sa pagba­basa ng mga diyaryo na mayroong penpal corner. Naghahanap ng Ameri­kanong magiging “kaibi­gan”. Hanggang sa matuto akong makipag-chat sa internet. May mga nakilala ako pero wala yatang ka-duplicate si Melvin. Pa­wang mga kasing-edad ko ang aking nakikilala. Mas gusto ko ang mas matanda sapagkat ser­yoso na sa buhay.

Hanggang isang araw, tumawag sa aking cell phone ang kaibigang lalaki ni Melvin. Siya ‘yung nagbalita noon ng mga nangyari kay Melvin at nagsabing lungkot na lungkot sa nangyari sa kaibigan.

(Tatapusin)

vuukle comment

AKO

HANGGANG

MELVIN

NANAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with