^

True Confessions

Salamat. hinango mo ako sa putikan! (Ika-76 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

NANG lumabas ako sa opisina ni Bossing ay napansin ko si Pearl na nasa may pintuan ng kuwartong nagsisilbing dressing room namin. Nakatingin siya nang makahulugan sa akin.

Lumapit ako sa kanya. Sa tingin ko, may problema siya.

"Patay na si Itay, Che," sabi nito at nakita ko ang pagsungaw ng luha sa mga mata. Nabigo siya na mailigtas ang ama. At ang masakit pa, isinangla pa ang sarili kay bossing para lamang magkaroon ng ipampapaospital at sa dakong huli ay mamamatay din pala.

"Ano ang balak mo Pearl?"

"Hindi ko alam, Che."

"Umalis na tayo rito. Maaari naman tayong maghanap ng iba."

"Hindi na ako makaaalis sa poder ni bossing Che. Delikado."

"Huwag kang matakot."

"Anong ibig mong sabihin?"

Sinabi ko ang aking balak.

Pumayag siya.

Nang dumating ako sa bahay, ibinalita sa akin ni Donna na nagpunta roon si Ate Au.

"Bakit nagpunta Donna?" "Kinausap si Inay. Alam na ni Inay na nagtatrabaho ka sa Black Roses."

"Anong sabi ni Inay?’

"Umiyak lang."

"Ano pang sabi ni Ate Au?" "Nag-iwan ng number. Tawagan mo raw bukas ng umaga dahil me importanteng sasabihin."

Kinabukasan, tinawagan ko si Ate Au. Nalaman ko, mamayang gabi pala isasagawa ang pagsalakay sa Black Roses.

"Hindi lamang ang pagpapalabas ng malaswa ang ikakaso kay Mr. Lee kundi pati prostitution. Matagal na palang balak salakayin ang Black Roses pero may padrino lamang na pulitiko. Pero matigas ngayon daw ay hindi na ubra ang pulitiko kaya tuloy na ang raid."

"Mga anong oras Ate Au?"

"Mga ala-una ng madaling araw. Yung nasa kasarapan sa pagpapalabas nang malaswa ang mga "model" ni Mr. Lee."

"Nakahanda na ako Ate."

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

ANONG

ATE AU

BAKIT

BLACK ROSES

INAY

MR. LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with