^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-75 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagppapatago sa pangalang Che)

MARAMI na nagnanasa sa akin sabi ni Mr. Lee kaya dapat ko na raw ilantad ang aking katawan. Iyon daw ang hiling ng mga kustomer. Sa lahat daw ng mga modelo niya, ako na lamang daw ang hindi nagpapakita ng katawan at iyon ang labis na pinanggigilan ng mga kalalakihan.

"Okey na ang usapan natin, Che?" tanong ni bossing.

Hindi ako sumagot pero mayroon akong iniisip.

"Wala namang masama. Kung gusto mo ipakita mo lang muna ang boobs mo. Pakonti-konti para takawin," sabi niya at sumulyap sa dibdib ko. Bahagya kung tinakpan ng braso.

Hindi ako nagsalita ni ga-putok pero mayroong naglalaro sa isip ko.

"Okey na Che? Tumango ako.

Tuwang-tuwa si bossing sa pagsang-ayon ko.

"Huwag kang mag-aalala at akong bahala sa iyo. Ikaw ang gagawin kong reyna rito..." sabi at nagkaroon ng kislap ang mga singkit na mga mata. Para bang nagkaroon ng buhay.

Naalala ko ang mga sinabi ni Ate Au tungkol kay bossing: Sa simula ay pakikitaan ka ng mga kabutihan ni Mr. Lee pero kapag nagsawa na sa iyo ay para kang basahang itatapon. Kagaya ng ginawa sa akin..."

"Akong bahala sa iyo, Che. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Kahit na anong sabihin mo..."

Sinisimulan na akong ligawan ni bossing. Akala niya hindi ko pa alam na lahat ng mga modelo ay nakuha na niya.

"Magsabi ka lang Che at ibibigay ko sa’yo?"

"Ano ang kapalit bossing?" tanong kong tila nakikipaglaro.

"Wala. Walang kapalit."

Gusto kong magtawa. Gusto kong sabihing "ulol".

"Gusto ko lang makatulong Che. Totoo."

At nakita kong sumulyap siya sa dibdib ko. Alam ko, nagnanasa siya sa akin. Pangangakuan at kapag nakuha na ang gusto ay saka tatapakan kagaya ng ginawa kay Ate Au at Ina. At maaari ring mangyari kay Pearl.

May naglalarong balak sa isip ko. Naisip ko si Ate Au sa pagkakataong iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKONG

ALAM

ANO

ATE AU

BAHAGYA

BATAY

MR. LEE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with