^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-45 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa Kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"KUNG ikaw ang nasa kalagayan ko, Donna, ano ang gagawin mo?"

"Gagawin ko rin ang balak mo Ate. Kaysa naman, hayaan nating mamatay si Inay."

Sa sagot na iyon ni Donna ay nagkaisa kami. Gawin ang inaakalang paraan para mailigtas ang aming ina at upang huwag kaming magutom.

"Tayong dalawa lang ang nakaaalam nito, Donna. Kapag magaling na si Inay at naiuwi na natin sa bahay, huwang kang babanggit kay Inay tungkol sa trabahong pinasok ko."

"Oo Ate."

"Pansamantala lamang ito. Kapag nabayaran na natin ang utang, aalis ako sa "Black Roses" at maghahanap ako ng disenteng trabaho."

"Naniniwala ako sa’yo Ate. Ikaw ang bahala. Alam kong tama ang mga pasya mo."

"Ang iniisip ko ay ang sasabihin sa akin ni Ate Au. Ayaw na ayaw niya akong papasukin sa "Black Roses". Huwag ko raw siyang sisihin sa maaaring mangyari sa akin."

"Kalimutan mo na ang sinabi ni Ate Au. Mas mahalaga ang kalagayan ni Inay…"

Kinabukasan, ipinasya ko nang magtungo na sa "Black Roses" para makausap si Mr. Lee. Plantsado na ang mga sasabihin ko sa kanya, payag na akong magmodelo sa club pero pautangin muna niya ako ng P50,000 para pambayad sa ospital.

Tama ang sinabi ni Donna na huwag ko nang intindihin ang mga sasabihin ni Ate Au. Kung makikita ko si Ate Au at hindi na maaaring maiwasan, sasabihin ko sa kanya ang totoo na si Mr. Lee lamang ang alam kong makatutulong sa gipit naming kalagayan. Kailangan kong kumilos para mailigtas sa kamatayan si Inay at kami man ay hindi mamatay sa gutom.

Subalit hindi ko nakita si Ate Au sa "Black Roses". Ang nakausap ko ay ang isang babae roon na nakita ko na nang una kaming magkita at magkausap ni Ate Au. Siya yung babaing natutulog sa katre noon.

"Wala na si Au. Sinibak na ni Bossing."

Hindi ako makapaniwala.

"Ano ang dahilan?"

"Hindi ko alam," sagot ng babae. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

ATE

ATE AU

BLACK ROSES

INAY

KAPAG

MR. LEE

OO ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with