^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-17 labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ito ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na matagal nagturo sa Wisconsin, USA. Nagkaasawa si Azucena sa gulang na 54. Ikinasal siya kay Dr. Benjamin Victoria, isang ob-gyne na nakilala niya sa Winsconsin noong 1990.

Nagbalikbayan sila sa Pilipinas noong 1996 sa ilalim ng Philippine Retirement Authority (PRA) program para sa mga US citizens. Bumili si Azucena ng lote sa Southridge Estates, Tagaytay City, Cavite at doon na nanirahan.

Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para magsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.

Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kaawaawang kalagayan.

Ang matutunghayan ay karugtong ng sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena mula November 2004 hanggang July 2005.
* * *
NANG sabihin daw ni Meljoy kay Dr. Benjamin Victoria na si Shirley ang nakasugat sa braso ni Azucena ay okey lang daw. Balewala sa kanya sapagkat si Shirley ang may kagagawan.

May pagkakataon pa raw na habang sila ay sama-samang nagrorosaryo kaharap ang nakaratay na si Azucena ay biglang inubo nang inubo si Shirley. Mayroon din siyang sipon. Pero balewala lamang daw iyon kay Dr. Victoria. Para bang gustong magkasakit talaga si Azucena at mamatay na.

Noong May 8, 2005 dakong 9:00 ng gabi, narinig daw niya ang pag-uusap nina Dr. Victoria at Shirley sa guestroom. Pinag-uusapan daw ng mga ito na kailangang madaliin na ang pagpatay kay Azucena. Narinig niyang sinabi ni Dr. Victoria na na pagod na pagod na siya sa "buwisit" na si Azucena. Nagtitiis daw lamang siya. Kung mamamatay si Azucena, makukuha na raw nila ni Shirley ang mga ari-arian nito. Sa kanya naman nakapangalan ang mga ari-arian ni Azucena ayon sa kasulatan ng power of attorney na ginawa nila sa Amerika.

Lantaran ang relasyon nina Dr. Victoria at Shirley. Madalas na matulog si Shirley sa bahay nina Dr. Victoria kahit hindi naka-duty.

Noong June 21, 2005, pinayagan ni Dr. Victoria na mag-dayoff ang isang katulong kaya ang naiwan ay si Meljoy na naka-duty noon kay Azucena.

Nagtaka raw si Meljoy nang ipasundo ni Dr. Victoria si Shirley dakong 7:30 ng gabi. (Itutuloy)

vuukle comment

AZUCENA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

MELJOY

MELJOY SANCHEZ

MRS. AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with