^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-11 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ito ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya ang lumapit sa Pilipino Star NGAYON para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.

Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap ay nang matuklasang may relasyon pala si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para hilingin sa Korte ng walong kapatid ni Azucena na sila na ang mangalaga at tumayong guardians ng kanilang kawawang kapatid.

Ang matutunghayan ay batay sa mga sinumpaang salaysay ng caregiver na si Alma Rosos.
* * *
MATAGAL na raw nagtitiis si Dr. Victoria kay Azucena. Pagod na pagod na raw siya. Iyan ang mga narinig ni Alma kay Dr. Victoria noong Mayo 8, 2005. Sinabi pa nito kay Shirley na kung mamamatay si Azucena, makukuha na niya ang ari-arian nito.

Kasunod niyon, batay pa rin sa salaysay ni Alma na balewala na kay Dr. Victoria kung mahawa man ng sipon si Azucena mula sa mga caregiver. Kung noon daw ay pinagbabawalan sila ni Dr. Victoria na huwag silang magduty kapag may ubo at sipon at baka mahawa ang pasyente, hindi na ganoon ang nangyari. Bagkus pinag-duty niya si Shirley kahit may sipon noong May 21, 2005. At ang nangyari, nahawa ang pasyenteng si Azucena.

Hindi na rin daw naalala ni Dr. Victoria ang ikalawang anibersaryo ng pagkakasakit ng asawang si Azucena. Ipinaalala raw ito ni Alma subalit nagkibit balikat lamang. Walang reaksiyon. Nakapagtataka raw sapagkat noong May 18, 2004 na unang anibersaryo ng pagkakasakit ay nag-alay ng misa si Dr. Victoria.

Malaki ang pagbabago ni Dr. Victoria sa pag-aasikaso sa nakaratay na asawa at iyan ang napansin ni Alma sa loob ng pitong buwang paglilingkod doon. Madalas daw na nagbibigay ng rekomendasyon si Alma kay Dr. Victoria ukol sa pag-aalaga kay Azucena subalit hindi ito pinag-uukulan ng pansin ng doktor. Balewala na sa kanya.

Nalaman din ni Alma na pinagsabihan si Dr. Victoria ng mga kapatid ni Azucena noong Mayo 2005 tungkol sa pagkakaroon niya ng kakaibang relasyon kay Shirley subalit wala siyang nakitang pagbabago sa relasyon ng dalawa. Patuloy pa rin sila.

Ang pagkaawa kay Azucena ang nagtulak kay Alma para isalaysay ang kanyang nalalaman. Gusto rin niyang mapigilan at mabigyan ng katarungan ang mga masasamang balakin nina Dr. Victoria at Shirley kay Azucena.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALMA

ALMA ROSOS

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

KAY

PILIPINO STAR

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with