^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’(Ika-7 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Isa ring Pilipino ang kanyang napangasawa habang nasa Wisconsin – si Dr. Benjamin Victoria. Nagpakasal ang dalawa noong 1990 at nagpasyang umuwi sa Pilipinas noong April 1996 sa ilalim ng Philippine Retirement Authority Program. Sa Tagaytay sila nanirahan. Noong May 18, 2003, inatake ng aneurism si Azucena at magpahanggang sa kasalukuyan ay nasa coma.

Isang babaing caregiver na nagngangalang Shirley Elnar, 26, ang kinuha ni Dr. Victoria para mag-alaga sa asawang si Azucena. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa nasabing caregiver.

Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng dating caregiver na si Alma S. Rosos na nag-alaga kay Azucena mula November 12, 2004 hanggang May 28, 2005.
* * *
NAGTATALIK ang dalawa? Iyon ang unang pumasok sa isipan ni Alma nang marinig ang mga sinabi ni Shirley. Bagamat madalas niyang nakikitang naghaharutan ang dalawa, ang mga narinig niya kay Shirley ng mga sandaling iyon ay naglalarawan na nagsasalo sila sa ligaya.

Bisperas ng Pasko, December 24, 2004 dakong alas-onse ng gabi. Nagkakasayahan umano sila sa sala kaharap si Mrs. Azucena Victoria. Tatlo silang nagkakantahan, siya, si Shirley at si Dr. Victoria.

Nagulat umano si Alma nang biglang kunin ni Dr. Victoria ang microphone kay Shirley at pagkaraan ay nilamas ang suso nito. Nangyari mismo iyon sa harap mismo nang nakaratay na si Azucena. Napansin din umano ni Alma na ang isang kamay ni Dr. Victoria ay nasa puwit ni Shirley.

Nang mahalata raw ni Shirley na nakita ni Alma ang paghawak ni Doctor sa puwit niya ay saka sinabing "Si Dok talaga…"

Kinabukasan, December 25, araw ng Pasko, dakong alas-tres ng madaling araw ay bumangon si Alma. Nakarinig siya nang may umuungol sa guestroom. Sumilip daw siya roon at nakita niyang hubu’t hubad si Doktor at si Shirley at nagsi-sex. Mainit na mainit ang kanilang pagtatalik na animo’y tunay na mag-asawa. (Itutuloy)

vuukle comment

ALMA S

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

MRS. AZUCENA VICTORIA

NOONG MAY

PASKO

SHIRLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with