^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-5 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

NASISIYAHAN ako kapag nakapamboboso. Sakit ko na yata ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang kasidhi ang pagnanais kong makapamboso. Nakasakmal na nga yata sa katauhan ko at kaluluwa ng mambobosong si Tom na hindi nakatiis silipin si Lady Godiva habang nakasakay na hubu’t hubad sa kabayo at lumilibot sa buong Coventry, England. Ginawa iyon ni Lady Godiva bilang protesta sa pagtataas ng buwis. Ang sinumang mahuhuli na titingin sa hubu’t hubad na si Lady Godiva ay bubulagin. Hindi nakatiis ang mananahing si Tom at sumilip sa maliit na butas. Nakita niya ang hubad na si Lady Godiva. Pero nahuli siya ng mga mababagsik na sundalo at binulag ang dalawa niyang mata. Doon isinilang ang katagang "Peeping Tom".

Pero sa tantiya ko sa aking sarili, mas matindi pa ang nararamdaman ko kaysa kay Peeping Tom. Paano’y bumibili pa ako ng mga kagamitan para magamit sa pamboboso kagaya nga ng binocular na medyo may kamahalan ang halaga. Kung hindi ba naman grabe ang pagnanais kong makapamboso ay mag-aaksaya ako ng pera para lamang sa binocular. Lihim kong binili ang binocular sa isang military store sa Batha. Iningatan kong walang makakita sa gamit kong iyon.

Balik tayo sa pamboboso ko sa magandang Araba na ang inookupahang unit ay eksaktong nasa tapat ng aming opisina.

Sumunod na Huwebes ay ang pamboboso muli sa Araba ang inatupag ko. Bitin na bitin ako dahil sa pagpasok ng janitor na si Munaseeb sa aming opisina.

Bago ako naghanda sa pamboboso, inilabas ko muna ang mga basura para hindi na ako maabala. Ikinandado kong mabuti ang pinto para tiyak na walang makapapaok. Kinuha ko ang binocular at pumuwesto sa may bintana.

Maliwanag na sa kuwarto ng magandang Araba pero wala pa akong nakikitang tao. Tutok na tutok ako. Hindi ko hihiwalayan ng tingin at baka na naman masayang ang mga sandali.

Unang nakita ko ay ang lalaki na asawa marahil ng Araba. Naka-thob pa ang Arabo. Ang thob ay ang tila sutana na kanilang karaniwang suot. Wala ang Araba.

Nakita kong naghubad ang Arabo. Itinira ang puting tila porontong na shorts. At humiga sa kama.

Maya-maya ay nakita ko na ang Araba. Sunod-sunod na kaba ang naramdaman ko. Naka-abaya ang Araba. Ang abaya ay ang itim na damit na tradisyunal na suot ng kababaihan sa Saudi Arabia. Nagulat ako nang biglang hubarin ng Araba ang porontong ng Arabo. Umigkas ang "kuwan" ng Arabo. Parang sa Arabian horse ang umigkas na iyon. Ang nakagulat sa akin ay nang sumubsob sa kandungan ng Arabo ang Araba. Tila nakakita ako ng baby na dumede. Tila gutom ang baby.

vuukle comment

AKO

ARABA

ARABO

KONG

LADY GODIVA

NAKA

NAKITA

PEEPING TOM

PERO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with