^

True Confessions

Ninang Joy (84)

- Ronnie M. Halos -
"MASAGWA di ba. Aakalain ng mga makakarinig ninang mo ako tapos asawa pala. Magulo no?"

"Basta Ninang ang itatawag ko sa’yo. Bahala silang mag-isip kung bakit."

"Maski kaharap na natin ang nanay mo -— este nanay ko na rin pala?"

"Oo. E ano naman?"

"Kung bakit kasi tinawag mo akong ninang. Problema pa natin ngayon…"

"Si Mama kasi pinabayaan akong tawagin kang Ninang. Akala ko naman kasi tama lang yon."

"Sige na nga. Tawagin mo na lang akong Ninang."

"Ninang Sweetheart na lang kaya. O kaya’y ‘Nang, di ba mas cute pakinggan."

"’Nang?"

"Oo."

"Baka akalain Nanang mo ako. Susmarya!"

"Di ka naman mukhang Nanang. Kung lahat ng Nanang ganyan kaganda sa’yo masaya ang mundo."

"Binola mo na naman ako."

"Basta Ninang. Period."

"Bahala ka na. Sunud-sunuran ako sa iyo King Eric."

"Good girl."

Makalipas ang dala-wang linggo ay nakuha ko na kay Caloy ang pekeng marriage certificate. Tama si Caloy, hindi halatang peke sapagkat bagum- bago at napakalinaw ng pagkakagawa ng pekeng dokumento. Pati ang mga ginamit na ink sa pag- pirma ay buhay na buhay. At mas lalong nakahahanga ang Arabic translation. Suwabeng-suwabe. Maaari ngang isampal sa motawang magti-trip sa amin.

"Anong say mo Pards?" tanong ni Caloy na nakangisi.

"Parang tunay Caloy."

"Sabi ko sa iyo. Hindi na kayo kakabagan este kakabahan habang namamasyal o kahit na dumalo sa mga party dito."

"Walang sablay ha?"

"Wala. Ako mismo ang magpapatunay."

"Gaano ka na ba katagal na may "alaga" rito Caloy?"

"Kinse na. Marami nang beses kaming napagtripan ng motawa. Ipinakita ko ang Arabic translation, binasa at pinaalis na kami."

"Sabagay in case lang naman ito na may sumita sa amin."

"Oo. Ilalabas mo lang ‘yan kapag kailangan."

Nang makita ni Ninang ang pekeng marriage cer-tificate ay hindi rin siya makapaniwala na peke iyon.

"Parang tunay na tunay Eric."

"Oo nga."

"Ang galing mameke."

"Maaari na tayong makapamasyal sa Batha at sa Shoula Shopping Center ano?"

Tumango si Ninang.

Nang sumapit ang Huwebes, wala na kaming kaba na nagpunta sa Batha. Magkahawak kamay pa kaming naglakad sa Batha. Marami kaming nakitang Pinoy at halata ko, nakatingin sila sa amin ni Ninang na may halong pagtataka. Sa loob ko lang, talo ko kayo sapagkat may kasiping ako sa malamig na gabi rito.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

BASTA NINANG

BATHA

CALOY

KING ERIC

NANANG

NANG

NINANG

OO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with