^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-39 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. A sadyang binago ng awtor.)

KINABUKASAN ay wala na sa sopa si Ate Tet. Bumangon din pala at lumipat sa kuwarto nila. Hindi ko namalayan yon. Masarap din ang tulog ko.

Ikalawang beses nang umuuwing nakainom si Ate Tet. Una ay noong kaaalis lamang ni Kuya Felipe patungong Saudi at ikalawa nga ngayon. Hindi naman lasing na lasing. At palagay ko’y beer ang ininom niya kagabi. Matindi ang amoy ng beer.

Nagbibihis na ako nang magising si Ate Tet. Nagpunta sa banyo at umihi. Narinig ko muli ang tunog. Pamilyar na sa akin. Narinig ko ang pagbuhos at saka lumabas.

"Ang sakit ng ulo ko. Ipagtimpla mo muna ako ng kape Jim…" sabi at ibinagsak ang katawan sa sopa.

Nagtimpla ako at dinala sa kanya. Bumangon ito at inabot ang kape. Humigop ng kaunti kahit mainit.

"Uminom ka Ate?"

"Tatlong boteng beer lang."

"Kagabi’y parang susuray-suray ka. Mabuti at nakauwi ka?"

"Nagtaxi ako. Birthday ng isa kong kasamahan at nagkayayaan sa KTV. Ayun…"

"Hindi na kita ginising dito sa sopa."

"Lumipat din ako sa kuwarto."

Nagsuot ako ng sapatos. Nakaupo pa rin si Ate sa sopa.

"Kumain ka na ba?"

"Oo Ate."

"Bukas ba me pasok ka?"

Nag-isip ako. Biyernes bukas.

"Meron pero praktis lang ng sayaw."

"Samahan mo ako sa Marikina sa umaga. Sa Hapon puwede kang pumasok."

"Anong gagawin natin dun Ate?"

"Kukunin ang padala ni Ipe. Tumawag sa akin sa opisina."

"Marami Ate ang padala."

"Nasa isang box na maliit lang daw.

Iyon ang unang package ni Kuya Felipe mula nang mag-Saudi.

Kinabukasan, maaga pa’y nagtungo na kami sa Marikina. Malapit sa Purefoods ang bahay. Nasa isang plastic bag ang mga padala. Mabigat din. Parang suplada ang pinagpadalhan sapagkat hindi ngumingiti habang iniaabot ang package.

Mga alahas at pabango ang laman ng bag. May ilang bara ng Toblerone chocolates at ilan pang piraso ng panty at bra.

Nagtatawa si Ate Tet.

"Ba’t kaya pati panty ay doon binili. Hindi naman ako nagbilin.

Sa sulat na kasama ng package nakasaad kung bakit bumili ng bikini panty. At may request si Kuya Felipe kay Ate Tet. Hindi nahiya si Ate Tet na sabihin. Ipadala rin daw kay Kuya Felipe ang panty matapos hubarin.

Humagalpak ako ng tawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE

ATE TET

BUMANGON

KUYA FELIPE

MARAMI ATE

NARINIG

OO ATE

SA HAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with