JAMIAS 'Mapanganib na misyon' (30)

AYON sa impormante madalas makita sa Juan Luna St. Tondo si Macmod.

"Nakasakay siya sa itim na Pajero, Colonel," sabi ng impormante.

"Ilan ang kasama?"

"Apat."

"Anong oras nagpupunta?"

"Gabi."

Mabilis silang nagsurveillance sa lugar na iyon sa Tondo. Nagmanman. Pero walang Macmod na sumulpot.

Isa pang impormante ang nagsabi na madalas ding makita si Macmod sa Jacobo St. Malate. Nagsurveillance sila roon. Negative. Nakatunog yata si Macmod.

Nang mga panahong iyon, plantsado na ang mission sa grupo ni Macmod. Naihanda ni Jamias at mga kasamahang pulis na sina Sr. Insp. Cesar Victorino, SPO4 Edgar Ramirez, SPO4 Mario Manlutac at dalawang action agents na sina Bong at Bochie ang mga plano para sa neutralization kay Macmod at apat nitong kasama.

Matapos ilibing ang dalawang pulis na napatay ni Macmod, nag-ibayong lalo ang operasyon nina Jamias.

Hangang sa dumating ang wakas ni Macmod noong March 31, 1999, Miyerkules Santo.

(Itutuloy)

Show comments