^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-12 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Umingit at nayugyog ang aking higaan dahil sa bigat nang pagsasanib ng katawan namin ni Tet. Nadama ko ang lusog ng kanyang mga dibdib. Nadama ko ang kakinisan ng kanyang balat na sa pakiwari ko’y dahil na rin sa matagal na pagkakabalot ng abaya. Gayong bihirang masikatan ng araw ay matingkad ang pagkakayumanggi ng kanyang balat. Bagay ang kanyang kulay sa mahubog at malaman na pangangatawan. Kahit na dalawa ang anak, ay napanatili ang kurbada. Walang maipipintas sa kanyang kutis maliban sa walang appeal sa akin ang kanyang mukha. Pero sa ganoong sitwasyon, lalo na’t ang babae na ang nagpakita ng motibo, hindi na mahalaga kung anuman ang itsura. Babae si Tet. At ang mga babaing katulad niya ang masarap daw magmahal at mapag-alaga lalo pa’t kung nasa malayong lugar.

Uhaw si Tet. Nakita ko iyon sa kanyang mga kilos. Agresibong babae na naihalintulad ko sa isang pusang gutom na para bang mauubusan at aagawan sa natagpuang pagkain. Si Tet na ang umako sa gawain at ako’y nagmistulang hari na sinilbihan ng alipin. Naghintay na lamang ako ng kanyang idinudulot. Siya ang naghirap at ako’y nakalasap nang kakaiba ring sarap na bagamat natikman ko na ang ganoong putahe, kakatwang kakaiba naman dahil sa pagkakadulot.

Natatandaan ko ang minsang sinabi sa akin ni Tet, ang tingin daw niya sa akin ay parating laging mabango. Kahit na raw ako pinapawisan ay tipong mabango pa rin at lalaking-lalaki ang amoy. At saka isisingit ang tungkol sa kanyang asawang nasa Pilipinas na kapag nagtatabi sila sa pagtulog ay nasusuasok siya sa amoy dahil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Sa pagkakataong iyon, kung ilang ulit sinamyo ni Tet ang sinasabing kabanguhang madalas sabihin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Tet, sa kabila na siya’y may asawa at anak na magpakita ng motibo at siya pa ang gumawa ng paraan para kami magkaroon ng relasyon. Nasasabik na siguro siya dahil sa kahomsikan. Pero sa tingin ko nama’y hindi siya nahohomsik.

Umingit pa nang umingit at nayugyog ang higaan. Naisip ko, kailangan nang lagyan ng oil ang turnilyo ng aking higaan. Maingay na sa kaunting kilos. Ang ingit ay tumigil.

Walang anuman kaming bumangon ni Tet. Nakita ko sa mukha niya ang matinding kasiyahan. (Itutuloy)

vuukle comment

AL KHOBAR

KAHIT

KANYANG

NADAMA

NAKITA

PERO

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

TET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with