^

True Confessions

Mapait na asukal (Ika-73 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Talagang balak hiwalayan ni Lara si Jay. Iyon ang una niyang naisip makaraang malaman ang "lihim" ng asawa. Para ano pa at patuloy siyang makikisama sa isang silahis na marami nang lalaking nakatalik. Marumi na. Nandiri siya. Hindi niya akalaing ang makinis na lalaking ito na una niyang inibig ay isa palang silahis.

Ang totoo nang hawakan siya ni Jay makaraang ikuwento ang lahat ay nandiri siya rito. Ngayo’y nakikiusap itong huwag niyang hihiwalayan. Parang batang nakiusap.

"Huwag mo akong hihiwalayan, Lara."

Yumakap sa kanya si Jay. Mahigpit. Gusto niyang iwaksi ang mga kamay at kumawala sa pagkakayakap. Subalit nawalan siya ng lakas. Dinaan na lamang niya sa iyak. Ganoon siya kapag wala nang magawa sa isang mahirap na sitwasyon.

"Magsimula uli tayo," sabi ni Jay habang nakayakap pa rin kay Lara. Mahina ang tinig nito na wari’y iiyak. Tumagos naman iyon kay Lara. Nasaling ang damdamin. Magsimula raw sila. Bagumbuhay, ibig sabihin.

Unting-unting nalusaw ang galit ni Lara kay Jay sa kabila na marami itong ipinaglihim sa kanya. Unti-unti ring nawala ang pandidiri.

"Pipilitin kong magbago. Kaya kong magbago para sa iyo."

Malalim ang sinabi ni Jay subalit alam ni Lara na ang ibig sabihin niyo’y ang pag-iwas sa anyaya ng pakikipagniig sa kapwa lalaki. Pipiliting magbago para sa kanya. Magandang pakinggan. May liwanag na nakikita sa kabila ng kadiliman.

"Ang mommy mo paano?" tanong ni Lara.

"Wala na siyang pakialam sa akin."

"Hindi ka na natatakot?"

"Hindi na. Kaya ko nang lumaban."

Sapat ang mga sinabing iyon ni Jay para tanggapin si Jay. Hindi niya ito maaaring iwan sa kabila ng kalagayan nito. Baka kung ano ang gawin nito sa sarili. Alam niyang mahina ang loob ni Jay. Sa kabila ng pagiging matalino ay malambot naman ang kalooban nito.

Buo na ang kanyang pasya na huwag iwan si Jay. Magsisimula uli sila gaya ng sinabi ni Jay. E ano ba kung silahis ang kanyang asawa. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BAGUMBUHAY

BUO

DINAAN

GANOON

JAY

KAYA

LARA

MAGSIMULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with