^

Freeman Cebu Business

Toni at Bianca, lutang sa kanilang red gown

The Freeman
Toni at Bianca, lutang sa kanilang red gown
Toni Gonzaga and Bianca Manalo.

MANILA, Philippines — Stunning in red sina Toni Gonzaga and Bianca Manalo sa inaugural reception sa Malacañang ni President Bongbong Marcos noong Huwebes ng gabi.

Kasama sa inaabangan sa bagong administrasyon ang pagbabalik ng ‘fashion’ sa Malacañang na maaalalang ‘di pwede sa anim na taong pamumuno ni Pres. Duterte dahil sinabi ng dating pangulo na mas gusto niyang maging low key sa mga okasyon noon sa Malacañang.

Ngayon, inaasahang pabonggahan ang mga Filipiniana lalo na sa mga gaganaping State of the Nation Address.

Alex Diaz, naghahanap ng ka-spark sa unang boys’ love dating game show

Si Alex Diaz ang unang maghahanap ng spark sa pinakaunang boys’ love dating game show ng bansa na Hello Searcher, mula sa mga gumawa ng hit series at pelikula na Hello Stranger na Black Sheep.

Sa kanyang TikTok account, inilahad ni Alex na kahit pa tatlong taon na niyang pinipilit na gumawa ng lugar para sa ‘genderless love’ at para sa bisexual na tao, sa pagiging searcher niya sa show na ito ay makatulong siya sa ibang tao na nakakaranas din ng kanyang sitwasyon na maramdamang nauunawaan sila.

 “I love disrupting and jumping at any opportunity to create representation in our beloved conservative Filipino industry. Somewhere out there, there is a little boy or old man, who never had someone to look up to on TV see this and feel seen. That is always a win in my book,” saad ni Alex.

Makakasama ni Alex sa nasabing dating game show ang unang Miss Trans Global na si Mela Habijan na magsisilbing Mother Sparker o host ng digital show.

Sa Hello Searcher, tutulungan ni Mela si Alex na mahanap ang kanyang spark sa anim na swerteng searchees na dadaan sa iba’t ibang virtual challenges at games hanggang isa na lang ang matira.

Maaari naman makasama ang publiko sa nasabing online dating game show sa pag-audition nila sa Sparks Call. Bukas ang online audition sa lahat ng mga Pilipinong lala­king naninirahan sa bansa o hindi kaya sa abroad, 21 anyos pataas at dapat marunong makaintindi ng Tagalog. Sa mga gustong mag-audition, i-fill out ang online form at i-submit ang audition video sabit.ly/HelloSearcherSC.

Iwasan na mag-sana all at baka ito na ang inyong tsansa maging isa sa anim na searchees na hinahanap ni Alex.

Abangan ito at parte ng Made For YouTube shows ng ABS-CBN, ngayong Agosto.

Derrick Monasterio at Elle Villanueva, spotted sa beach

Spotted together sa isang beach ang Sparkle stars na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na bibida sa upco­ming GMA Afternoon Prime series na Return to Paradise.

Sa Instagram post ng GMA Network, makikita ang dalawa na all smiles at super sweet habang nagbo-bonding sa isla.

Benta naman sa netizens ang bagong tandem nina Derrick at Elle.  

 

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with