^

Punto Mo

‘Himala’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nakaligtas sa ambush

(Last part)

HABANG nagpapaputok, patuloy ang pagsambit ko ng Psalm 91. Humahalo sa angil ng bala ang ginagawa kong pagsambit sa Salmo na isinulat ni Haring David. Nakasaad sa dasal na ililigtas ng mga anghel ang mga naniniwala at nagmamahal sa Diyos at kahit galos ay hindi magtatamo. Kahit daw magkalat ang mga bangkay sa paligid, hindi daranasin nang nagtitiwala sa Diyos ang ganung kapalaran sapagkat ililigtas siya ng Diyos.

Habang patuloy ako sa pagpapaputok at pagdarasal, biglang dumating ang reinforcement—dalawang military helicopter at walang patlang na pinaulanan ng bala ang mga rebeldeng papalapit sa amin.

Nagmistulang impiyerno ang lugar dahil sa matin­ding pagpapakawala ng bala ng dalawang helicopter.

Sa isang iglap, naubos ang mga rebelde. Tambak ang mga bangkay, ilang metro ang layo sa amin.

Sa aming panig, tatlo kaming natirang buhay. Ang dalawa kong kasamahan ay may tama ng bala sa hita at braso.

Ako ni isang galos ay wala.

Mabilis na dinala sa ospital ang dalawa kong kasamahan.

Pinagkalooban kami ng medalya ng kagitingan sa pangyayaring iyon.

Habang isinasabit sa akin ang medalya, sinasambit ko ang Psalm 91. Ang dasal na ito ang nagligtas sa akin. Kung hindi sa dasal na ito, baka isa ako sa mga napatay ng kaaway. Niligtas ako ng Diyos dahil sa aking paniniwala.

Retirado na ako. Pero kahit saan ako magpunta, nasa bulsa ko pa rin ang dasal na nagligtas sa akin—ang Psalm 91.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with