Sikreto ng human behavior
June 20, 2026 | 12:00am
- Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng ibang tao, paunahin mo siyang pagsalitain. Paano? Magtanong ka. Sa ganitong paraan, mararamdaman niya na nais mong marinig ang kanyang panig at handa kang unawain siya.
- Ang amoy ng lavender at pumpkin pie ay nakakapagpa-turn on sa mga lalaki. Sabagay, mga lalaking Amerikano ang sumailalim sa pag-aaral na ito. Ano kayang amoy ng pagkain ang makakapagpa-turn on sa lalaking Pinoy. Hindi naman tayo pamilyar sa kalabasa pie. Amoy kaya ng bibingka.
- Noong 2009, naitala sa survey na mas malaking kumita ang mga Amerikanong may bigote kaysa walang bigote.
- Ayon kay Allan Pease, Australyanong eksperto sa body language, para makumbinse mo ang iyong kausap, tumangu-tango ka habang nagpapaliwanag. Nakakatulong ito para magkaroon ng “positive feeling” ang iyong kausap sa mga sinasabi mo. Bukod sa hikab, ang pagtango ay nakakahawa rin.
- Kung gusto ng isang lalaki na magmukhang sexually experienced, magpa-tattoo ka.
- Kung gusto mong ma-in love sa iyo ang isang tao, tingnan mo ang kanyang mga mata.
- Interesado sa iyong sinasabi ang iyong kausap kapag lumalaki ang pupils ng kanyang mga mata.
- Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng isang kausap na hindi ka masyadong kakilala nang personal, magsuot ka ng damit na blue. Sa kulay na blue, nagmumukha kang mapagkakatiwalaan, conservative, may tiwala sa sarili at malinis.
- Kung gusto mong magkaroon ng impresyon ang mga tao na kaya mong mamuno, lagi mong itingala ng bahagya ang iyong ulo habang ikaw ay nagsasalita. Kasi ang taong laging nakatungo ay mabuti lang na tagasunod.
- Ayon sa bagong pag-aaral, may tendency na magsinungaling at mag-ugali nang hindi maganda ang taong pagod. Kaya ang morning people (halimbawa: 8 to 5 office employees) ay malaki ang tsansang maging “bad” sa gabi. Ang night owls (call center agents, guwardiya) naman ay nagiging “bad” sa umaga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
















